Chapter 1

1.6K 34 1
                                    

Buong araw akong nanatili sa kwarto. Hindi naman nila ako hinahayaang lumabas. Minsan ay dinadalaw ako ni tukmol dito upang tignan kung humihinga pa ba ako.

Buong araw kong inisip kung paano ko siya tatakasan. Naisip ko na rin tumalon sa balcony ngunit sobrang taas niyon at paniguradong patay na ako kapag nakababa. Nakalock naman ang pinto at mahirap iyon buksan. May nagdadala na maids ngunit kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi nila ako pinapansin. Nagdadala lamang sila ng pagkain.

Tumayo ako at sinubukan ulit buksan ang pinto. Bigla iyong bumukas.

"Oh, shit..."

Lumabas ako at napalinga-linga sa paligid. Isa iyong mahabang hallway. Mukhang nakalimutan i-lock nung huling maid na pumasok.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot sa bahay na ito pero bahala na. Basta ang importante ay makaalis ako dito. Gusto ko na umuwi.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaliwang bahagi ng hallway. Mukhang naroon ang daan pababa.

Walang tao roon kung kaya't safe na maglakad ako.

Nadaanan ko ang ilang pintuan na hula ko'y mga kwarto rin. Napatingin ako engrandeng hagdanan paakyat tingin ko ay 4th floor. Base kase sa taas ng balcony sa kwartong tinutuluyan ko, panigurado'y 3rd floor iyon.

Luminga-linga ako sa paligid. Walang tao. Mukhang ito na talaga ang tyansa ko para makatakas. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan hanggang sa nakarating ako sa 2nd floor. Kung may makakahuli man sa akin ngayon, tatalon na lamang ako sa balcony sa dulo ng hallway.

Naglakad pa ako patungo sa hagdanan pababa nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Where do you think you're going, huh?" Nang marinig ko ang boses na iyon sa aking tainga ay tumaas ang balahibo ko. Nanlaki ang mata.

Kung kaya't ginawa ko lahat upang makatakas sa bisig ng tukmol na ito. Nagpumiglas ako at sumipa ngunit inangat niya lamang ako at binitbit muli paakyat nang walang kahirap-hirap.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.

"No."

"Tulong! May tao ba riyan?! Tulungan ninyo ako! Help! Help!" I screamed on top of my lungs. Hindi ako tumigil hanggang sa mapaos ako.

"Walang tutulong sa'yo dito," aniya.

Ibinalik niya ako sa kwarto na para bang walang nangyari. Nilapag niya ako sa kama. Pinilit kong tumakbo ngunit sa t'wing aalis ako sa kama ay nahahablot niya ako.

"Hindi kita ipoposas because you're my wife. Pero hindi rin ibig sabihin na asawa kita ay hindi na ako mapipikon sa'yo," sabi niya.

Pinukol ko siya ng isang masamang tingin. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Bakit ba pinagpipilitan niyang maging asawa ako?

"Bakit ba hindi mo na lang ako paalisin? Why are you doing this?!" Sobrang inis na inis na ako sa lalaking ito.

"Hindi kita paaalisin dito. Hindi kita hahayaang makatakas. Not until..." Tumigil siya sa pagsasalita at tinikom ang bibig.

"Not until what?!"

Bumuga lamang siya ng marahas na hangin at iniwan na ako sa kwarto mag-isa. Nilock niyang muli ang pinto. Wala na. Nasayang lamang ang pagkakataon ko na makatakas.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Siguro nga kailangan ko pa umisip ng ibang paraan para tumakas dito. Hindi ko alam kung hinahanap ba ako nila mama pero panigurado ay nag-aalala na iyon.

Napatingin ako sa balcony. Masyadong mataas iyon at kung sakaling tatalunin ko iyon ay baka tigok na ako pagkarating ko sa ibaba. Pero may naisip akong ibang paraan.

Tumingin ako sa walk-in closet na naroon. Tama!

Hinila ko ang kumot na nasa kama. Pumasok ako sa walk-in closet at kinuha ang isa pang extrang kumot doon. Ibinuhol ko iyon upang magdugtong. Nagdagdag pa ako ng iilang damit doon upang mas humaba. Siguro naman ay abot na hanggang second floor ito. Ibinuhol ko ang dulo ng tagpi tagping kumot at damit sa railings ng balcony.

Sana hindi ito mapansin nung tukmol na iyon.

Tumawid na ako sa railings at kumapit na sa kumot, handa na ako sa pagbaba. Akmang bababa na ako nang biglang sumulpot si tukmol at hinila ako pataas.

"What the fuck are you doing?!" Hinila niya ako hanggang sa parehas kaming napahiga sa balcony.

"Bitawan mo ako! Tukmol ka!" Nagpumiglas ako sa yakap niya at pinagsusuntok ang dibdib niya.

"Fuck! Can you please stay still?!" Mukhang frustrated na rin siya.

"At bakit kita susundin?! Sino ka ba?!" Hindi ko siya pinakinggan at mas nagpumiglas pa lalo.

"I'm trying to stay calm dahil kung hindi ay baka kung ano ang magawa ko sa'yo!" aniya.

Bigla kong maramdaman ang bukol na tumutusok sa tiyan ko. Nanlaki ang mata ko at isang malakas na pwersang itinulak ko siya.

"Manyak! Pauwiin mo na ako!" Sigaw ko.

"No fucking way..." aniya.

Sa sobrang gigil ko ay pumasok na ako sa loob ng kwarto, nakita kong bukas ang pinto ng kwarto kung kaya't kumaripas ako ng takbo palabas doon.

"Maine!" Rinig kong sigaw niya. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakarating ako sa first floor. May mga tao roon sa sala.

Ang isang lalaki ay mukhang may pinapanood sa cellphone habang ang isa ay nakatakip sa mukha.

"Sky, patayin mo 'yan! 'Wag ka manood ng porn!" sabi nung lalaking nakatakip ang mukha.

Binatukan nung Sky ang lalaking nakatakip ang mukha.

"Bobo ka talaga, Zander. Nanonood ako ng The Clash!" Sabi nung Sky.

Imbis na makatakas ako ay nahuli na naman ako ni Tukmol. Wala na talaga akong takas!

"Huy! PDA!" Sigaw nung Zander.

"Bakit kayo nagyayakapan? Isasampal niyo na naman ba sa akin ang katotohanan na wala akong bebe?" Madramang sabi ni Sky.

Nawala na sa isip ko si tukmol na nakayakap sa akin.

Ngayon ko lang napansin na Ash Grey ang buhok ni Sky. Makapal ang kilay niya at may kulay brown ba mata. Manipis ang labi niya at matangos ang ilong. Samantalang si Zander ay itim ang buhok na clean cut. Mayroon siyang hikaw na itim sa tainga. Makapal din ang kilay ngunit mapaglaro ang kinang ng mata. Matangos ang ilong at maninipis ang mapula niyang labi.

"What the fuck are you doing here?" Tanong ni Alden. Ngayon ay papunta na sa harapan nung dalawa. Nakatalikod siya sa pinto.

"Wala, makikisagap lang ng wifi," sabi ni Sky.

"Makikikain lang," sabi naman ni Zander.

Sasagot na sana si tukmol nang may pumasok na babae sa loob ng bahay at niyakap si Richard mula sa likod.

Nakahigh ponytail ang babae at may bangs. Manipis ang natural na mapula niyang labi at singkit.

"Babe! I miss you!"

What the actual fuck?

I'm Torn - (Under Revision)Where stories live. Discover now