"Oops! Sorry! Akala ko si Kyle," maarteng sabi noong babae.
"Lagot ka!" Sigaw ni Zander.
Humarap sa kaniya si Alden at pinukol ng walang emosyon na tingin.
"Wala rito si Kyle," matipid na sagot ni tukmol.
"I thought nandito na siya because he texted me sabi niya he's on his way na raw papunta here," maarteng sabi ulit noong babae.
Napairap na lamang ako sa hangin. Dapat nga ay tumatakas na ako ngayon pa lang na mukhang may reunion sila pero nagdadalawang-isip ako. Hindi ko kilala itong si tukmol at baka mamaya kapag tumakbo ako rito ay barilin na lamang ako sa likod.
Tumingin sa akin 'yong babaeng maarte. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.
Nanliit naman ako para sa sarili ko. Mukha siyang model, makinis ang balat at maputi.
"Who is she?" Tanong niya.
"She's Maine, my wife."
Agad na kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Anong wife?! I don't even know him.
"Anong wife?! Hindi nga kita kilala!" Giit ko.
"Oh, Vanessa. 'Wag ka maiinggit, ha? Si Alden nagka-asawa na bigla tapos kayo ni Kyle wala pa ring usad. Friends pa rin," binuntutan iyon ni Zander ng mahabang tawa.
"Shut up!" Gigil na sabi nung babae na Vanessa raw ang pangalan.
Lumapit sa akin si Alden at hinila na ako pabalik sa kwarto na pinagkulungan niya sa akin. Hindi na ako magpupumilit. Sige, hihintayin ko na lang kung kailan niya ako papalayain.
Akala ko'y paghatid niya sa akin sa kwarto at lalabas na siya ngunit sinarado niya ang pinto at nakapameywang na humarap sa akin.
"Bakit ba ang kulit mo?" Inis niyang sabi.
"Bakit ba ayaw mo ako paalisin?" I fired back.
"'Di ba sinabi ko na sa iyo, hindi kita hahayaang makalabas," sagot niya.
"Kung ganoon, tiisin mo ang kakulitan ko dahil hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaalis sa bahay na 'to," ani ko.
"Oh, I would love that." He smirked.
"Oh, fuck you," ganti ko.
Lumabas na siya at paniguradong ni-lock na naman ang pinto. Wala talaga ako makitang dahilan para ikulong niya ako rito. Hindi ko naman siya kilala, wala akong utang sa kaniya, at mas lalong hindi ko siya pinakasalan.
Pero baka naman ibang tao ang nakuha nila? Baka hindi pala ako iyon at kamukha lamang? Paano kung kapangalan ko lang pala at nagkamali sila ng nakuha kasi hindi nila alam ang mukha noong dapat na dudukutin nila?
Napasabunot ako sa buhok. Hindi ko na alam ang gagawin. Sana ay hindi nag-aalala sila Mama. O di kaya'y sana hinahanap nila ako.
Humiga ako sa kama at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin. Pagmulat ko ng mata, bumungad sa akin si Alden na nakatayo sa gilid ng kama at nakapameywang ulit.
"Wake up. It's dinner time," aniya.
Tumayo ako at hindi na lamang siya tinignan. Mas mabuti siguro kung hindi ko na lang siya pansinin.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang mahabang lamesa, naroon na ang mga taong nakita ko kanina. 'Yong Sky, Zander at Vanessa. Mayroon pang iilang tao na naroon na hindi ko kilala.
Pinaghugot ako ni Alden ng upuan. Wow, gentleman pala siya sa lagay na 'yon?
Umupo na lamang ako. Nakatingin sa akin ang halos lahat ng nasa lamesang iyon.
Si Alden ang umupo sa kabisera at nagsimula nang umingay ang mga nasa lamesang iyon.
Tinignan ko sila isa-isa. Mayroong chinito, moreno, mukhang bad boy, simple lang at kung ano ano pa.
Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang lalaking naka T-shirt na itim at tahimik na kumakain. Slicked back ang kaniyang buhok at mukhang masungit. Katabi niya si Vanessa at mukhang kinukulit siya nito. Tumatango-tango lamang ang lalaki.
Pogi.
Mukhang crush ko na yata siya at nagkaroon ako ng inspirasyon na kumain.
Kinalabit ako ng katabi ko. Babae iyon. Base sa aura niya, mukhang masiyahin siya at happy go lucky na babae.
"Hi! Ikaw 'yong asawa ni Kuya RJ, right?" Tanong niya.
"Uh... I'm not his wife," sagot ko.
"Pero ikaw si Maine?"
"Yeah..."
"I'm Yshiara but you can call me Yshi," aniya.
Maganda siya. Almond-shaped ang mata at hanggang taas ng balikat ang tuwid niyang buhok. Mayroon siyang bangs at manipis ang labi. Matangos ang ilong niya at nakasuot siya ng chiffon blouse.
"Uhm, Yshi... Can I ask you something?" Tanong ko.
"Sige!" Sagot niya.
"Bakit ang daming tao ngayon?"
"Oh, hindi mo alam? Tuwing linggo, ganito talaga rito. Nagtitipon-tipon ang Detroit para sa isang impormal na meeting," sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Detroit?"
"Yup. Mayroon kaming business at Detroit ang tawag sa samahan ng mga kabilang sa business na iyon," sagot niya.
"Business? Is it legal or..."
"Syempre legal. You can ask Alden for more information," aniya.
Tumango na lamang ako at hindina muli pang nagtanong sa kaniya. Napatingin ako kay Alden at nahuli siyang nakatingin sa akin. Walang sabi-sabing inirapan ko siya. Hindi pa rin kami okay, 'no!
Nang matapos ang kainan na iyon ay isa-isang nagsilabasan ang mga tao na nasa loob. Mukhang may pool party. Wala naman akong gana na makiparty pa sa kanila at marami pa akong dapat na isipin tulad nang paano ako makakaalis dito.
Pagtayo ko, napabunggo ako sa isang bulto.
"Sorry," ani Kyle.
Pogi niya talaga.
Hindi ako nakapagsalita at napatitig lamang sa kaniya. Ngayon ko lamang nakita ng malapitan ang mukha niya. Grabe, pogi!
Magsasalita pa sana si Kyle nang may biglang humila sa akin papunta sa hagdan. Syempre, sino pa ba kung hindi ang nag-iisang tukmol ng bayan, Alden.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Masakit kaya!" Reklamo ko.
Badtrip 'to ah.
Hindi siya sumagot at nagpatulong lamang sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa kwarto na pinagkukulungan niya sa akin sa third floor.
"Stay there. You are not allowed to go outside or talk with anyone." Walang emosyon ang mukha niya. Mukhang mas seryoso siya kaysa noong una kaming nagkita.
"May choice pa ba ako?" Bulong ko at napairap sa hangin.
Akmang lalabas na siya nang tumingin ulit siya sa akin.
"He's getting along with Vanessa so it means he is taken. And I'm your husband, you are not allowed to love or like anyone," aniya at iniwan ako sa kwarto mag-isa at naguguluhan.
Ano naman ngayon kung magkagusto ako sa iba?
YOU ARE READING
I'm Torn - (Under Revision)
Fanfiction"I was kidnapped by him. Then all of a sudden, we're married." - Maine