Chapter 6

38 4 0
                                    

CHAPTER 6 : (June 19, 2017)

YANNiE's POV

"Ano ba yan. Kung bakit ba kasi tayo ang na assign dito eh." Reklamo ko.

Bwisit! Konti nalang ata dudugo na ilong ko eh. Sobrang init kasi. Tapos eto kami, naghahanap ng bagay na di naman namin sure kung mahahanap nga namin.

"Relax Yannie. May 30 mns. Pa naman tayo eh." -Yumi

Makarelax ka jan eh halos matumba ka na nga rin sa sobrang init eh.

"Guys, magpahinga muna tayo." Andrei

Magpahinga? Wow! Pabida rin to.
Palibhasa sikat eh.

Sikat? Duh! Malakas kasi hatak sa mga girls. Pati sa ibang year at sections ng batch namin. Edi shing!

"No. Mamaya nalang tayo magpahinga. Pagbalik sa room. Kailangan makahanap na tayo ng white, pink, at red rose bago pa mag bell."

Oo naghahanap kami ng flowers ngayon.
At dito kami naassign sa bakanteng lote sa may likod ng school.

Ang init. Nakakahilo talaga.

"Pero Yannie, I'm tired." Marie

"Oo nga. Kahit 5 mns. Lang Yannie. Please?" -Angie

"Bahala kayo." Sabi ko at nag walk out.

Madali lang sakanila na sabihin yun dahil hindi naman sila yung leader.

AKO naman kasi. Oo AKO!

Naglakad lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ng lote.

Bwisit naman kasi yung teacher namin sa T.L.E, dito talaga kami inassign. Bakanteng lote nga eh? Magaling. (-_-)

"Ouch." Sabay hawak ko sa ulo ko. Nahihilo ako.

Parang matutumba ako.

Waaah! Jusko Lord. Tulong po.

"Hey! Are you okay?"

May biglang humawak sa magkabilang balikat ko. WAAAHH! Si Andrei pala. Inalalayan niya akong umupo.

Papa God, napaka galing niyo po talagang magpadala ng tulong.

Bakit siya pa po? Baka sakalin lang ako ng lalaking to eh.

"Yeah." Nakahawak parin ako sa ulo ko.

Ang sakit. Parang mabibitak.

"Drink this." Inabot niya sakin yung isang mineral water na dala niya.

"Thanks." Kinuha ko naman yun tsaka ininom.

Ang sakit parin ng ulo ko.

Migraine?

Kakalbuhin ko talaga yung hinayupak na TLE teacher namin pag nagkataon.

"Sabi kasing magpahinga muna eh." May halong pag aalalang sabi niya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Psh!"

"Nakita kasi kitang pagod na pagod na kanina. Kaya sinabi kong magpahinga muna tayo."

Ano daw?

"So?"

"Bakit ang sungit mo? Ikaw na nga tinulungan eh."

"Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako?"

Tinignan ko siya at halatang galit yung expression niya.

Halla ka Yannie. Ikaw na nga tinulungan eh.

"Di ba pwedeng mag thank you ka nalang?"

"Ayoko nga." Tumayo ako. Ouch:'(

Always and ForeverWhere stories live. Discover now