Chapter 12

26 2 0
                                    

CHAPTER 11

YANNiE's POV :

"Ouch" napahawak ako sa ulo ko.
SOBRANG SAKIT at nahihilo pa ako.
"May brain tumor na ba ako? Ang sakit."

"Brain tumor agad? Di ba pwedeng hang over lang?"

"AY ANAK NG TINAPA AT ASWANG!!!! ANO BA?" Takte! "BAKIT KA NANDITO? ANONG GINAGAWA MO DITO? ANONG GINAWA MO SAKIN? WAAAHHHH!!!! HAYP KA!!! WALA NA BA? ANO BA WALA NA? ANONG NANGYARI? AAHHHHH." Kinuha ko agad yung kumot at pinulupot sa katawan ko. Waaaahhhh!!! Pero okay naman yung suot ko. NakaHello Kitty Shirt at pajama ako. Huh? (O_O)

"Teka nga. Isa isa lang. Mahinang kalaban." He crossed his arms. Nasa may pintuan siya ng kwarto ko. Nakatayo. Naka shorts at long sleeve siya. Ay tae! Ano kaba Yannie? Wala naman sinabing idescribe mo eh. Pero ano bang ginagawa ng asungot na to dito?

Tinignan ko yung wall clock ko at.....

"WAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!"

Bigla akong napatayo at tumakbo sa banyo.

1:25 pm. OMYGHADDDD YANNIE.
Huhu :'( wala na. Absent na ako.
Ano bang nangyari? Nagbrush muna ako at naghugas ng mukha. Biglang may kumatok sa pinto ng cr ko.

"Maligo ka na rin. Kanina ka pa nasigaw. Ang baho ng hininga mo. Naglaway ka pa habang natutulog. Kadiri. Anjan na yung damit mo. Baba ka nalang pagkatapos mo jan."

Narinig ko naman siyang naglakad palabas ng room ko.

"ANING BA YUN? ANONG GINAGAWA NG LALAKING YUN DITO? HUHU :'( Mapapatay ko talaga yun pag may ginawang kalokohan habang tulog ako. Hindi pa pwede. Bata pa ako." Napaluha ako. Paano nalang kung may nangyari nga samin? Waaaahhhhhh. Ipapapatay ko siya kay mommy. Huhu :'( or worst baka ako ang patayin ni mommy pag nagkataon.

I'm just 18 years old. Napakabata ko pa para maging ina. Pero okay na rin siguro. HOT naman si ANDREI eh. WTF YANNIE. STOP IT! NAPAKABATA MO PA. HOT ka jan? Mas hot parin si Kirby. TSS! Kirby nanaman.

Hirap talaga pag naglalaban ang PUSO'T ISIPAN MO.

Naligo nalang ako. At shete! Nakaready na din yung isusuot ko. Siya din ba may pakana nito? -_- ibig sabihin. Pati underwear ko? >_< kung bakit naman kasi di manlang ako ginising nung tatlo eh.

Binilisan ko nalang magbihis at mag ayos.
Nagjeans at off shoulder ako. Flat shoes at konting make up. Nagblower din ako ng hair at konting curl. Perfect <3
Pero sheteee. Bakit nga ba ako nag ayos? Absent na din naman ako. LAGOT! Laking bawas sa grades ko nito :'( sorry mommy.

Pagbaba ko. Nanonood ng T.V si Andrei. OO SI ANDREI! TAKTE. BAKIT NGA BA NANDITO SIYA? NAKATAAS PA YUNG PAA wow huh? Feel at home?

"Hayy sa wakas. Natapos ka din. Almost 1hr."

Tinaasan ko siya ng kilay. Umupo ako sa sofa na tapat niya.

"What are you doing here?"

"Dinadalaw ka."

Nakatingin parin siya sa t.v

"Bakit pinaglalamayan na ba ako?"

"Ikaw nagsabi niyan." Putek! Batuhin ko kaya siya ng vase? Vase talaga Yannie? Ugh.>_<

"Psh! Ano bang nangyari? Bakit nasa kwarto kita?" Mahinahon kong tanong. Waaah! Sana hindi mali yung iniisip ko. Kundi ngayon palang mapapatay ko na siya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa kwarto?" Napataas ulit yung kilay ko sa sagot niya. Bwisit to.

I let out a heavy sighed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always and ForeverWhere stories live. Discover now