Chapter 8

29 3 0
                                    

CHAPTER 8

3rd PERSON POV :

Kanina ko pa napapansin na wala siya sa sarili niya.
Hanggang sa umiyak na siya
Nagpaalam siya kay sir Gio at lumabas na siya. Nakita ko namang nag aalala yung mga kaibigan niya.

"Okay class, pass your activity sheets."

Wala siyang maipapasang paper, kaya ako na gumawa. I don't know, but I guess it's destined na dalawang activity sheet ang napunta sakin.
Sinagutan ko narin yun at nilagyan ng name niya yung isang paper tsaka inabot sa classmate kong nasa harapan.

"Okay class dismiss. See you tomorrow." -SIR GIO

Lumabas na siya ng room.
Lumabas din ako agad. Bahala na kung dumating yung next teacher namin.

Pumunta ako dun sa likod ng school kung saan ko siya unang nakita. Umiiyak, at halos madurog ang puso niya dahil sa bestfriend at boyfriend niya.

Ngayon umiiyak nanaman siya.

"Bakit ba kasi ang hirap mong kalimutan Kirby?" Medyo pasigaw na sabi niya.

Nagtago ako sa may puno.
I see the pain in her face right now.
No doubt that she's still in pain.
Damn! >_<

Tuloy parin siya sa pag iyak.

"Ano ba naman kasing panama ko kay Samantha diba? Maganda siya, Sexy, Model, Matangkad, basta mukha siyang dyosa eh ako? Ano bang panaman ko? Wala naman eh. Hahaha. Sorry huh? Mahal lang kasi kita. Minahal naman kita pero bakit mo naman ako niloko? May nagawa ba akong mali sayo? May nagawa ba akong di mo nagustuhan? Ano Kirby? Sagutin mo naman sana ako. Nagtatapang tapangan lang ako pero alam mo kung gaano ako kahina deep inside di ba? Kelan mo ba ako babalikan? Sabihin mo naman sana sakin para di na ako umiiyak ng ganito. I love you Kirby, I'm still inlove with you. Nagsisisi nga ako noon na di kita pinaglaban kay Sam eh. Pero syempre umiwas lang naman ako dahil sobrang sakit na. Hindi ko naman alam na iiwan mo napala ako. Nagpakatanga panga akong umiwas nun eh. Akala ko kasi hahabulin mo ako. Akala ko babawiin mo lahat ng sinabi mo. Pero hindi eh. Haha. Mahal na mahal parin kita Kirby. Miss na kita. Kelan ka ba babalik?"

Bigla siyang tumawa habang umiiyak.

Di ko na kaya to.

Lumapit ako, pumunta ako dun sa may likuran niya.

"Sa likod ng saya may lungkot na nadarama. Pero sa likod ng lungkot, may saya ding nakatadhana."

Nag iwan ako ng panyo at naglakad na paalis.

--

YANNiE's POV :

Pauwi na ako. Naglalakad. ALONE.
Ewan ko ba. Di ko feel makisabay sa tatlo.
I want this. Just for now.
I want to be alone.

*1message received.
From : Mommy

(Baby, How are you? Sorry kung ngayon lang nakapagtext si mommy. Sobrang busy kasi sa work. Pasensya na talaga anak. Wag mo pabayaan sarili mo jan huh? Kumain ka ng madami. Wag magpupuyat, and focus on your studies okay? Mag ayos-ayos ka narin ng gamit mo. Lilipat na kayo on weekend. Baka nextmonth pa kasi ako makakauwi. Sige ingat nalang jan lagi. I miss you my baby. I love you anak.)

Pffft. May nanay nga ako, pero feeling ko once a year ko nalang siya makasama ng matagal.
Nagstay siya ng 1buwan, then umalis nanaman. Hayst! Mahal ko si Mommy, pero sobra naman ata to. :(

*beeeeeeppppppp*

May bumusenang sasakyan kaya napaupo ako sa gilid ng kalsada sa sobrang gulat.

"HOY MISS. KUNG MAY PLANO KANG MAGPAKAMATAY, TUMALON KANA LANG SA TULAY. WAG DITO. PERWISO KA PA."

Sabi nung taxi driver atsaka humaruro't na.

Always and ForeverWhere stories live. Discover now