"Minzyyy!!! Asaan ka?"
(May klase ako ngayon. Bat ka tumawag?)
"Klase? Sembreak ngayon ah?"
(Oo. Nagaaral ako Table Manners saka piano lessons.)
"Ay buti naman! Kelangan mo talaga ng table manners. Hehe. Uh gusto mo mag ano.. Hmm--"
(Ano? Dali? Nagaantay tuitor ko)
"English classes every saturday and sunday?"
(Uh. Tignan ko kung pwde)
"osi--"
-____________-
Binabaan ako. Bwiset na babae.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Inaaya ko si Minzy kung trip nya din, ayaw ko kasi talaga sana eh. Pero para naman ganahan ako sana pumayag sya.
Pumasok naman si Mama, "Dara, bukas na simula ng clases mo. Pumunta ka sa center bukas.,"
"Luh? Di pa nga ko nageenroll ma."
"Inenroll na kita. Baba na. Kakain na"
"Ma naman eh!! Sembreak ngayoooon!!!"
Lumabas ng kwarto si mama, sinundan ko sya.
"Ma!!" di nya ko pinapansin. Hanggang sa makababa kami. Naabutan namin ang relaxed na relaxed na si Thunder, nakapatong pa ang paa sa center table at nakaakbay ang dalawang braso sa sofa. Sarap ng buhay nito.
Umupo ako sa tabi nya. Si Mama, umupo din sa single sofa.
"Alam kona!!" napatingin sila sakin. Tinaasan ako ng kilay ni Mama at ni Thunder. "Ay, Ma! Bakit hindi nalang si Baby bigboy ang magtuitor sakin?" inakbayan ko si Thunder. Taas baba ang kilay ko.
Napalingon naman si Thunder sakin at tinignan ako ng masama. Tinanggal nya ang pagkakaakbay ko sakanya.
Napapitik naman si Mama, "Ay oo nga nam--"
"A-yo-ko" Tumayo sya at naglakad paakyat.
"Sige na Baby Bigboy!!" Sbi ko. Humarap sya sakin. "I. Don't. Like." Sabi nya at nagpatuloy sa pagakyat.
Tumingin ako kay Mama. "Thunder, sige na, anak. Ate mo yan oh." Sbi ni Mama. "That's the point, she's my OLDER sister. Yet, ako pa gusto nyong magturo. Tss" At tuluyan na syang nawala sa paningin namin.
"Maaa! Tamo!! Ang galing nya mag english!!!" di ako pinansin ni Mama, at nagwalk out pa pumunta ng kusina. May pinagmanahan pala si Thunder, si Mama. Hilig magwalk out.
"Akala ko ba kakain na?" Sinundan ko si Mama sa kusina.
--
"Forvs, ano daw di ko gets?" Tanong skin ni Minzy at kinalabit ako.
"Di ko din gets eh, ayan oh tignan mo" Tinuro ko ang white board.
Nasa center kami ngayon. 8:00-12:30 ang klase namin. Buti pumayag si Minzy kung hindi nakooo.
"Make a brief biography about yourself? Why did you enroll for an English Class?" Binasa ko ang nasa board. "Ambastos naman pala nitong prof na to eh. Pinapagawa tayo ng brief?" Sabi ni Minzy.
"Hala! Oo nga no?--" Nagkamot ako sa batok. "I'll be back at" tumungin si Sir sa watch nya. "9:15, finished or not finish you'll pass that, and I'll pick 5 papers and those 5 should read that infront. And uh, don't forget to speak in english, it's a policy" at lumabas na ang bastos na prof. 23 students kami dito.
"Ambastos ni sir, pano ba gawin yon?" tanong nanaman ni Minzy, nagshrug lang ako. Nagbubulungan lang kami, baka may makarinig na nagtatagalog kami eh, speak in english policy nga diba?
BINABASA MO ANG
I La-bet (GDragon X Sandara Park Fanfic) -Daragon
RomanceIt all started sith a BET, will it end up with LOVE? Combine it, I LA-BET. -2014mehehe.