chapter 10

20 0 0
                                    

~DDIIINNGGG DOOONNGG~

Uwian na. nakita ni Elaine si Mikan. Nakita naman ni Mikan yung lalakeng pokerface na nagbabasa ng libro habang naglalakad. Pinuntahan ni Mikan yung lalake. Nakita ito ni Elaine at nacurious kaya lumapit siya ng konti.. yung maririnig niya ang pag-uusapan nila. Parang nakalimutan na niya na magkagalit sila. Tinapik ni Mikan ang likod ng lalake.

Mikan: YO! *tinapik ang likod*

???: AYYY KABAYO! E-este, S-SORRY P-PO! *tingin sa likod at nagbuntong-hininga* hays. akala ko naman kung sino, ikaw lang pala. *nagiba ang tono ng boses* oh. Ano kailangan mo?

Mikan: uhh.. *nag-isip ng malalim*

???: ano nga? Hays. Aalis na ako. Bahala ka na nga.

Nagiisip pa rin ng malalim si mikan. Nakalimutan niya talaga kung ano ang sasabihin niya. Palayo na ang lalake. Biglang naalala niya.

Mikan: AHA! Ano ang panga---

Nakita niyang wala na ang lalake. Nakalayo na pala. Hinabol niya ito at hinead-lock* nakita ito ni Elaine.

(ginagamit ito ng mga wrestlers. Search niyo nalang sa google J )

Elaine’s mind: grabe naman ang closeness nito. Hays. Sure na talaga akong me namamagitan sa dalawang ito.

Mikan: HIYAA!

???: AGGHH! A-ano k-ka b-ba!? N-nasasaktan a-akooOOOOooooOOO!

Mikan: umaalis ka kagad kasi ee. Mag-promise kang hindi ka aalis kagad.

???: o-OoOo n-naAa.. h-HinDI aKo MaKaHinga. ACCKK!

Inalis ni Mikan ang pag headlock niya sa lalake. Umubo-ubo ito. parang totoo ang sinasabi niyang hindi nga siya makahinga dahil grabe ang ubo nito.

???: *cough* ano ba i-iyon?

Mikan: heheee! Ano pala pangalan mo?

Napuno ang “ANGRY METER” ng lalake dahil muntikan na siyang mamatay (O.A. HUH?) doon. Tas iyon lang pala ang gusto niyang sabihin.

???: alam mo. Nakakabadtrip ka na ah. Bat kailangan mo akong ganunin? Pwede mo naman akong tanungin ng maayos ah?

Mikan: huh? *nagkamot ng ulo* ee. Diba, lalake ka. Ang sabi sa akin, ganun daw mag greet ang mga lalake e. kaya ginawa ko sayo yun? Aisatsu! Aisatsu! (greetings 2x)

???: HAA? Aisa—what? Hays. ANO KA BA? HINDI LAHAT NG LALAKE, GANUN! May iba’t ibang klase ng lalake at studious type ako! Hindi ako mahilig sa physical.. mental ako!

Mikan: ah. ‘key fine! If you say so. Hahaha.

???: natawa ka pa sa ginawa mo ah. Hays. Alis na ako.

Mikan: HEEEAAADD--- *nakataas na ang kamay niya*

???: AACCK! Joke lang!! wag mo na yun ulet gagawin!!!!

Mikan: buti.. nagkakaintindihan tayo. Hehe! Bilis din magbago ng ugali mo noh? Hmm?

???: hays. Nakakabaliw ka kasing kasama.

Mikan: haha! Kaibigan kasi kita.

???: hindi mo nga ako kaibigan!!!

Mikan: huh? Kaibigan na kita noh?

???: SINONG NAGPAHINTU---

Mikan: NA NA NA NAA!~ I CAN’T HEAR YOU!

???: baliw talaga to. *whispering* mayroon bang kaibigan na hindi alam kung ano ang pangalan?

Mikan: ha? Hahaha!! Ano nga pangalan mo? Onamae!?!! (name?)

???: hays. Ang pangalan ko ay Richard G. *smirk*

Mikan: Richard--- AYY! LECHE! ARTISTA YUN EH! GUSTO MO SIPAIN KITA?

???: hahahaha! Joke lang! yung reaction mo! Nakakatuwa! Ahaha!

Mikan: hmmm? Tumawa ka na! yehey! Tumawa na siya! *nagtatalon-talon*

Nakatingin pa rin si Elaine sa dalawa. Hindi siya makapaniwala na ganito ang kinikilos ni Mikan. Seryoso kasi palagi at walang interes sa lalake si Mikan. Otome games*, DSi at Anime  ang gusto niya palagi.

(otome games- dating games for girls. In short nakikipag date ka sa mga anime types na lalake)

Elaine’s mind: grabe! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Si Mikan.. casual na casual siya sa lalakeng ito. nagiba ang ugali niya. Nilabas niya ang pagiging isip bata niya. Sino ba itong lalake na to na nakapaglabas ng ganitong side niya? Hays. Sabi ko na nga ba e. “SILA” na.

???: hah--- *ehem* hindi yun considered na tawa. Aalis na ako. *sabay lakad*

Mikan: *pumunta sa harapan ng lalake* hindi pa nga kita kilala e! sabihin mo muna pangalan mo kaya!

???: hays. Ang ingay mo. Ang pangalan ko ay… *nilapit ang mukha niya sa mukha ni Mikan at binulongan ito* boo~

Biglang tumakbo ang lalake.

???: babay! Ahahahaha! Hinding hindi ko ibibigay ang pangalan ko dahil hindi naman kita kaibigan para gawin yon! AHAHAHAHA!

Malayo na ang lalake. Nakatulala si Mikan. Nanginginig ang paa. Hindi niya alam kung bakit. Nakita lahat iyon ni Elaine. Sa anggulo niya, parang hinalikan ng lalake si Mikan. Nagulantang ang mundo niya. Parang hindi niya ma keri ang mga pangyayari. Hindi lang naging magkaibigan ng ilang araw silang dalawa tas nagkaroon na siya ng boyfriend? Grabe naman talaga! Tumakbo kagad ng mabilis si Elaine. Hindi napansin ni Mikan na nadaanan siya ni Elaine dahil nakatingin pa rin siya ng diretso at parang malalim ang iniisip niya.

BEING A MEDIATOR IS HARD! (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon