pg. 15

107 12 27
                                    

I K A T L O N G
K A B A N A T A

WRITING BATTLE ARMAGEDDON: WAR OF THE PENS
Phase 00: PASSED
 
Congratulations! All the names on the list passed the initial test. Kindly check your emails to know the details of the next stage. Do not forget to send a confirmation of your participation within this day.

Owen Kaiden Silas
Sebastian de Leon
Emmett Jacques Mendoza
David Allan Quinto
Amelia Zara Gonzaga
Jesse Dimla
Gavin Cosme Arsenio

           "Mama! Si Kuya ngumingiti na naman mag-isa!"

           Binitiwan ko ang aking cellphone at tumingin kay Tintin. Pinanlakihan ko siya ng mata at nginitian nang malaki. Nang-aasar lang. Simula kasi no'ng hindi ko siya binilhan ng lollipop lahat ng galaw ko sinusumbong niya kina Mama. Cute 'tong kapatid ko dahil namumutok ang pisngi pero baby armalite din ang bibig nito. Pare-pareho silang tatlo.

           Si Papa kaparehas ko, minsan lang magsalita. Pero kami lagi ang nag-uumpisa ng kalokohan. Madalas para mapikon si Ate Ven. Ga-toothpick lang kasi ang haba ng pasensya no'n. Ang lakas mang-alaska sa'kin pero kapag siya na inasar pikon naman. Malakas pa manghampas ng braso, 'di ko lang mapatulan dahil babae e.

           "Ibaba mo muna 'yang cellphone mo, Cosme. Kumain ka muna nang tumaba ka naman," sabi ni Papa.

           Maikling tumawa si Ate Ven, tiningnan ko siya nang masama. Ginusot niya lang ang kanyang mukha sa'kin. Nagpapa-panget pa wala namang nababago, nakakasulasok pa rin ang itsura niya. Buti na lang 'di kami magkamukha.

           "May girlfriend na 'yan, Pa, kaya panay ngiti sa cellphone niya."

           "Nagse-selfie ako. 'Yung imahinasyon mo umabot na naman sa Burma."

           Nagpapanget na naman siya. "Maka-Burma akala mo talaga alam kung saan 'yun."

           "Oh tama na 'yan. Mamaya mag-away na naman kayo nang tuluyan," pagpigil ni Mama.

           Tumango ako at ngumisi kay Ate Ven. "Oo nga, mamaya mapikon ka na naman 'di ba?"

           Binato niya 'ko ng butil ng kanin na nahulog sa pinggan ni Tintin. Umilag ako kahit na alam kong hindi naman 'yon aabot sa'kin. Wala, mabilis lang talaga ang reflex ko.

           Tiningnan siya nang masama ni Mama saka pinagsabihan. Ngayon, siya na ang bida sa hapag-kainan. Nagpatuloy ako sa pagkain. Binilisan ko ang pagnguya para makapunta na kaagad sa PC. Excited akong i-check ang email kong ngayon na lang uli mabubuksan. Sa wakas may pakinabang na ang gmail kong 'yon.

          "Ilang taon ka na hindi ka pa nagma-mature. Nasa tamang edad ka na para makasal pero ni isang lalaki wala ka pang pinapakilala sa'min. Ano ba naman 'yan, Venice. Tatanda ka na bang dalaga?"

          Inangat ko ang aking ulo nang may ngisi sa labi. Nakita kong umirap si Ate Ven saka umismid. Tumawa ako nang mahina sa itsura niya.

          Asar na asar na 'to panigurado. Kada sesermunan siya ni Mama usapang kasal ang laging binabato sa kanya. Ang taray kasi nito at masungit kaya siguro walang nakakatagal. Hilig pa magpapanget ng mukha at mambara kapag 'di niya gusto ang kausap.

Litterateur's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon