Sa mga mata ng tao
walang makakita kung
anong kabalaghan ang nangyayari
Walang makakapagsabi
kung sino o ano
ang gusto nito.
Walang makakapagsabi
kung sino
ang susunod.
Dahil sa
walang pakeelaman
madaming tao ang
namamatay.
Ang pinanghahawakan
nalang nila ay
ang panalampalataya nilang
mailigtas ang sarili
sa pahamakan.
At ni isa sa
kanila ay walang
nagtangkang alamin
ang buong pangyayari.
Kakayanin mo ba
itong magisa?
O hahayaan mo
nalang ito?
Sino ang dapat
pagkakatiwalaan mo?
Nakakapagkatiwalaan
ka ba rin sa kanila?
The choice is up to you.
Fate is in your hands.
Death is near.
★ ・゜・。・゜。・。・゜「Sneak Peek」・゜・。・゜。・。・゜★
Isang malaking pagbabago ang naramdaman ko ng imulat ko ang mga mata ko para tingnan ang paligid. Nakapark lang kami sa harapan ng gate kung saan ito ang pasok-labas sa syudad.
Isang matandang lalaki ang bumungad sa amin na nakangiti, isa-isa kaming tiningnan nito bago magsulat sa isang maliit na papel. “Magandang Umaga.” bati nito pero parang kakaiba ang araw nila rito, puro ulap lang ang nasa langit at tinatakpan nito ang araw.
“Welcome to Peach Creek, sana maenjoy niyo po ang stay dito.” sabi niya. “Ano pong area kayo?” tanong niya pa sa papa ko. “Area 79.” sagot naman ni papa na nakangiti rin sa matanda.
“Sige po.” bumalik na siya sa isang maliit na control room at binuksan ang gate para makapasok kami sa loob.
Isang malaking syudad ang nakita ko, at halos lahat ng mga tao sa paligid ay tinitingnan kami habang ang mga iba ay nagsitaguan sa kanilang mga bahay at sinarhan lahat ng mga bintana at pintuan.
Maya-maya ay tumigil na kami sa harapan ng isang malaking bahay na may nakasulat sa gate na '79' siguro ito na ang bagong bahay namin.
Pinarking na ni papa ang kotse at nagsilabasan na kami. Tiningnan ko ng mabuti ang bahay sa harapan ko at bigla nalang ako nakaramdam ng sakit sa ulo, mukha naman siyang modern at malinis pero... Parang may kakaiba sa bahay na ito...
Parang...
★ ・゜・。・゜。・。・゜「Author's Note」・゜・。・゜。・。・゜★
Hello po sa inyo, wag niyo masyadong seryosohin ang death is near, ha? Baka mamaya nagpapanic na kayo jan ^^ Medyo matagal-tagal narin tong story na ito, I think last year ko pa ito nagawa? Pero wala akong chance nai-publish ito dahil lack ako ng inspiration.
Dinededicate ko po ito para kay @Charotera101, siya kasi ang inspiration ko para ipagpatuloy ko ito. Medyo twineak ko narin ito kasi putol-putol ang sentences at medyo walang kwenta ang plot dati.
Sana maenjoy niyo po ito, happy Summer!
Vote / Comment \Fan
BINABASA MO ANG
The Truth Behind A Lie
Teen FictionMakakayanan mo ba itong mag-isa? Handa ka na ba?