Chapter 1
May isang batang tumatakbo patungong gubat na may hawak na kutsilyo sa kanan na kamay, naalala pa niya ang sabi ng kaibigan sa kanya na tumakas at magtago ngunit nabigo niya ito at ngayon may isang matandang lalaking humahabol sa kanya.
“WAG KANG BABALIK!” narinig niyang sigaw galing sa utak niya na tila'y naririnig niya ang mga huling katagang isinabi nito sa kanya.
At habang tumatakbo ito, hindi niya namalayan na may tumutulong luha sa kanyang mata at pababa ng pababa ito sa pisngi niya. Hindi ito ang unang beses na may magtangkang kunin ang buhay niya ngunit sa sandaling ito alam niyang malapit na siya sa katapusan niya.
Dumidilim narin ang paligid at nagsisitaasan narin ang mga puno na tila'y itinatago ang ilaw na galing sa araw. Dalawa lang ang nararamdaman niya ngayon at ito ay takot at kaba.
Lumingon siya para tingnan kung may sumusunod parin sa kanya at nang makapagsigurado'y wala na umupo siya sa isang tuod at itinaas ang mga paa at ipanatong ito ng kanyang elbow saka ibinaon ang ulo sa tulay na ginawa niya gamit ang mga kamay.
Umiyak siya roon at lahat ng kanyang naranasan kanina lamang ay bumabalik sa isip niya at tinakot ito.
Tanda pa niya kung paano isinaksak ang kaibigan niya, naalala niya na lahat ng ito at dahil sa kanya. Masakit para sa kanya lahat ng ito, ng dahil sa kanya maraming taong namamatay.
“Please...” bulong niya sa sarili at ito ay natigilan ng suminghot siya. Ang mga dugo na tumutulo sa kanyang mga natamong sugat sa braso at binti ay nagsituyuan (dry) dahil sa lakas ng hangin.
Napatingin siya sa paligid ng mapansin ito na may maingay na di kalayuan sa kanya, naalala niya ang humahabol sa kanya at nagsitayuan ang mga buhok niya sa takot. Napatakbo siya muli hanggang sa di na niya na kayanan at nahulog sa sahig.
Ang mga sugat niya ay nagbukas at tumutulo muli ang dugo, umiiyak narin siya at lahat ng naiisip niya ay puro pagsisisi.
Kinusot niya ang mga mata niya at tumayo muli at pag tingin niya sa harap nanlaki ng mga mata niya--
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Nagasing nalang ako na pawis-pawisan isa na namang masamang panaginip, lagi ko nalang ito napapanaginipan kelan ba ito titigil?
Tumayo na ako at pumunta na ng banyo, kailangan ko munang maghilamos. “You're dead.” naalala kong may nagsabi nito sa panaginip, para siyang salita na banta o panakot na di ko maintindihan. Nagtooth-brush muna ako bago maligo at pagkatapos bumaba na ako kung saan nadatnan ko ang mga bagaheng pinagbubuhat sa isang moving van.
Ngayon na pala kami lilipat sa ibang syudad, nakakadismayado ito para sa akin pero excited parin ako kahit papano. Nadatnan ko si ate nagluluto habang si Hero naman nagaayos ng ibang gamit sa kwarto niya, si mama nasa kwarto rin niya tapos si papa nasa sala kasama ang mga taga-buhat.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nag-ayos na rin ng mga gamit, mga ibang malalaki iniwan ko na, basta't bay kasama ko ang mga importanteng gamit.
Binuhat ko na ang mga iba kong bagahe at bumaba na para ilagay ito sa van, ang mga personal na bagahe ko na may laman na charger, laptop, wallet at kung anu-ano pa ay nilagay ko sa kotse. Bumalik ulit ako sa bahay para buhatin ang mga iba pa.
“Shou!” bati sa akin ni ate ng pumasok ako sa kitchen. “Kumain ka na, mahaba pa ang biyahe natin.” sabi niya sa akin, kinuha ko ang plato ko na may laman ng pagkain at kinain na ito habang nakatayo. “Hero! Nakita mo ba cellphone ko?” tanong ni ate kay Hero.
BINABASA MO ANG
The Truth Behind A Lie
Teen FictionMakakayanan mo ba itong mag-isa? Handa ka na ba?