Chapter 3
Nasa dulo na ako ng hagdanan ng makita ko iyon. May kahon don na gawa sa glass at sa loob noon ay isang bangkay na buto. Sa liit ng kahon na iyon alam kong bata ang bangkay at mukhang hindi pa siya handang mamatay dahil sa positiong gustong makawala.
Lumapit ako doon at nagsitaasan ang buhok ko sa nakita ko, mayroong nakasulat sa tabi kung paano siya namatay at kung kailan siya pinatay.
Cause of Death: Suffocation
Date of Death: 10/04/(year)
Bakit nalang nila ito hinayaan? Bakit hindi nila isinugod ito sa ospital? O kaya manlang ilibing ito? Hahawakan ko na sana ito ng may napansin akong babalang nakaukit sa glass frame.
Babala: Bawal hawakin ito pati narin pakielaman. Huwag tanggalin ito sa puwesto.
Umupo nalang ako sa tabi nito at nag-isip kung ano ang gagawin ko dito. “Bakit ka nila pinatay?” asa naman na sasagutin ako nito at kung sasagutin naman ako nito baka maatake pa ako sa takot.
“May ginawa ka bang kasalanan?” tuloy-tuloy ang pagtatanong ko sa kanya na parang isa siyang buhay na tao ngunit wala naman akong napapala marahil sa patay na ito. Hinawakan ko ang ulo ko at umiyak, hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng awa at lungkot.
Lumipat ang paningin ko sa hagdanan, ano nalang ang gagawin ko? Hahayaan ko nalang ba ito?
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
May isang batang lalaki nakatingin sa ibaba kung saan may batang walang malay, inusog niya ito palapit sa kanya at tiningnan ng maigi.
“Hindi ko sinasadya.” sabi nalamang niya dito. Itinapon niya ang baseball bat sa gilid at umiyak, hindi niya talaga alam kung bakit niya ito ginawa basta ay nakita nalamang niya ito at ipinukpok sa ulo nito.
“Andito ka ba?” isang malakas na tinig ang narinig niya na nagmumula sa labas ng pintuan, nanlaki ang mata niya sa gulat kaya agad niyang iniligpit lahat ng gamit at tinago ang bata sa loob ng cabinet.
Sabay pumasok ang babae sa kwarto at nakita ang kaklase niya na nakaupo sa isang silya at tila'y nagbabasa ng libro.
“Kanina pa kita hinahanap.” sabi niya sa lalaki. “Anong k-kailangan mo?” tanong niya sa kanya dahil hindi ito ang tamang oras para mag-usap sila.
“Gusto ko lang naman samahan kita.” sabi niya rito “Baka kasi may mangyaring masama sa iyo.” tuloy niya.
“W-wala naman mangyayaring masama.” sabi niya dito, sa katunayan meron ng nangyari masama at siya ang sanhi dito ngunit ayaw niya ito ipahalata sa babaeng kausap niya dahil baka magsumbong ito sa teacher.
Ngumiti ang babae at sinilip ang cabinet gamit ang kanyang mga mata at napansin na may nakaipit na damit doon, tiningnan niya ito ng mabuti ngunit nagsalita ang katabi niya kaya naitugon niya ang pansin dito.
“Nasaan sila?” tanong niya sa kanya ng mapansin na nakatingin ito sa cabinet. “Nasa labas naglalaro.” sagot niya tapos ngumiti ulit.
“May napapansin ka bang kakaiba?” tanong niya sa lalaki, mabuti nalang at hindi nakatingin ang babae sa kanya kasi nang maitanong niya ito nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam siya ng takot.
“W-w-wala n-n-naman... B-bakit mo na-i-t-tanong yan?” tanong niya, halata na sa boses niya na takot ito. “Parang kasi...” lumapit siya sa cabinet habang ang lalaki naman ay nagpapawis na, paano nalamang kung nakita niya kung ano ang nasa loob nire?
BINABASA MO ANG
The Truth Behind A Lie
أدب المراهقينMakakayanan mo ba itong mag-isa? Handa ka na ba?