Chapter 1

7 1 0
                                    

Sammie's Point of View

A Beautiful Life

"Mom, mauna na po kami!" sigaw mula sa baba ni Arianna.

Nagmadali akong bumaba para masilayan man lang ang pag-alis nila.

(K)adramahan

"Yah! Mag-iingat kayo, ah? Sige na" wika ko. Tumango si Arianna saka ako binigyan ng halik sa pisngi. Hinihintay ko si Zack na gumawa 'non pero busy ito sa pakikinig nya.

Kinalabit ko ito at agad na lumingon

"Wae?" aniya

"Ha! Are you gonna leave without kissing your mom?" with matching paawa effect pa 'yan ah

"Ani" aniya sabay ngiti at halik sa kaliwang pisngi ko.

(Translation: Why? | No)

"Bye Mom!" si Zack. Kumaway pa ako bago sila tuluyang maka-alis. Sinara ko ang pinto at dumiretso sa kusina.

Naghanda ako ng juice at nagtoast ng tinapay saka ito kinagat pagkaluto.

"Jagiya! 'Di ka ba papasok?" bulalas ko. Kanina pa kasi hindi bumaba si Lucas.
10am ang pasok 'non. 9:30 am na.

"Nag-aayos palang ako" sigaw nya rin.

Nagtaka ako dahil hindi sya bumaba para kumain man lang. Hindi ko na iyon pinansin at uminom na lang ng juice

Maya maya pa ay bumaba na si Lucas. Walang pasabi-sabi'y kinuha nya ang natitirang tinapay na may palaman na Nutella.

"Yah! Sa'ken 'yan eh!" singhal ko ngunit ngumiti lang ito sabay halik sa labi ko.

"Annyeong, jagiya!" paalam nito at nagflying kiss pa.

Baduy

Pagtapos kong kumain, nagpasya akong lumabas muna at mag-gala sa Mall.

"Yaya Reya, aalis lang ako saglit, ha" ani ko kay Yaya Reya na 5 years na dito saamin. Mapagkakatiwalaan sya at masipag din.

"Sige po, Ma'am" nakangiting ani nito. Nginitian ko sya pabalik pero agad din sumeryoso. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Arianna's Point of View

This is our 18th week in Cheon Sang University, at nakakaboring dahil wala laging Prof.

Nandito kami ngayon ni Zack kasama ang ilan naming kaibigan. Kaibigan ni Zack ay sina, Azi, at ang  babae na si Freya. Ang mga kasama ko naman ay sina, Jizelle, Choi,  at ang dalawang lalaki na sina Fros at Symin.

Ang mga kaibigan ni Zack ay kaclose ko rin pati na rin ang mga kaibigan ko ay close kay Zack. Lahat kami ay pure Filipino.

"Guys ano? Dito lang tayo?" ani Azi.

"Ay hinde, saan mo gustong tumambay sa planetang mars?" maarteng ani ni Jizelle. Hahaha, favorite ko 'tong dalawang ito.

"Hinde! Gusto ko sa puso mo, hehe" pagjo-joke nito na ikinapula naman ni Jizelle. Nagtawana kami dahil nauto na naman ni Azi si Jizelle.

"At syempre, joke lang 'yon. Gusto kong tumambay sa puso ni Zack. Zack, take me~" malambing na wika ni Azi na naka-angkla pa ang kamay kay Zack.

"Azi, get off" seryoso nitong wika. Tumayo si Jizelle at sinabunutan si Azi ng todo. Panay ang aray nito.

"Tara, kain muna tayo, 'pag wala pang Prof na dumating mamayang 12pm, magcutting na tayo" ani ni Freya. Pinaka-maingay saamin, pero napakatalino.

"Napakagandang ideya nyan, Freya! Tara?" si Choi, Matalino rin, mahiyain at higit sa lahat, masipag.

"Hoy Jizelle! Tama na 'yan" sigaw ni Fros. Si Fros ay minsan na ring nagkagusto kay Jizelle, pero hanggang magkaibigan lang daw sila. Tanggap naman 'yon ni Fros.

"Eto kasi eh! Hmp, bahala ka nga d'yan" padabog na kinuha ni Jizelle ang bag nya. Etong babaeng 'to ay ang madalas asarin ni Azi. Cute sya kahit galit, cute rin kahit masungit. Cute sya sa lahat!

Sabay sabay na kaming nagpunta sa cafèteria. Wala pang masyadong estudyamte dahil nagsimula na ang klase nila.

"Ako na oorder. Samahan mo 'ko Choi" Si Symin, rich kid 'tong isa ito eh.

"Grabe naman! Pati pagbili magpapasama pa?" nang-aasar na tingin ni Freya. Maingay 'tong isa ito eh. Puro angal!

"Pake mo ba?" singit ni Choi.

"Pake ko na sa Mars, baket? bibili ka? Lima'm piso isa" pangaasar pa nito. Tinarayan lang sya ni Choi at hinila si Fros papuntang counter.

"Ayan kase, inasar mo pa. Red days yan ngayon" natatawang asar ko kay Freya.

"As if namang mataray-tarayan nya 'ko. Eh 'pag binanggit ko lang ang pangalan ni Vince, magtatransform yan ito anghel eh" Ani nito na pinaglalaruan pa ang ballpen na hawak nya. Nagtawanan naman kami.

Maya maya pa ay dumating na ang order ni Fros. Umupo si Choi sa tabi ko dahilan para tumawa ng malakas si Freya.

"Ah wae?!" sigaw ni Choi
(Translation: Ah why?!)

"Nandyan kasi si Vince sa likod kaya ka dyan umupo eh" pabulong na nagaasar na wika ni Freya.

"Huh?" nagtataka na ani nito at lumingon sa likod nya. Pagharap nya, para siyang kamatis sa sobrang pula.

"Alis d'yan!" pamauna ni Freya na nakatayo.

"B-Bakit?" nauutal at mahinang sambit ni Choi.

"Anong baket? Gusto kong katabi yung kambal kong si Arianna eh! Tsaka, 'di mo naman papansinin si Vince kahit na nand'yan ka" pabulong na binanggit nya ang huling sentence.

Tumango si Choi ng dahan-dahan saka tumayo upang lumipat ng upuan. Tumabi sa'ken si Freya at nagsimula ng kumain.

Naging masaya ang bawat minuto ng aming pag-kain dahil sa walang sawang pagbibiro nila Azi at Freya. Minsa'y hindi rin maiiwasan ang usapang future at usapang horror

"Brrp~ Busog na 'ko" maya maya'y nagsalita si Zack.

"Ayon! Nagsalita rin. Bigyan ng jacket!" biro ni Freya. Tumawa naman kami.

"Tss, shut up, Frey! " singhal sakanya nito pero binelatan lang sya ni Freya.

"Tama na nga 'yan. Guys, 'diba long weekend naman bukas?" pagiba ni Symin ng usapan.

"Oo, baket?" si Jizelle na kumakain parin ng sundae.

"Mm, may plano sana akong pumunta sa resort namin. Baka gusto nyong sumama?" pahayag nito.

"Sasama ako!" pauna ko na nakataas pa ang kamay.

"Me too!"

"Same!"

"Ako rin!"

"Hoy, sama ako"

Sunod sunod silang sumang-ayon sa plano ni Symin.

"Bukas na 'yun diba?" tanong ko. Tumango naman si Symin.

"Ilang araw?" si Zack. Nabaling sakanya ang tingin ni Symin.

"7 days.  Kung gusto mong mag-aral 'don, dalhin mo gamit mo" ani Symin
Si Zack kasi, pala-aral masyado. Walang ibang ginawa kung hindi ang makinig ng musika kasabay ng pag-aaral nya

"Oo nga naman" sang-ayon ko. Tumango rin silang lahat. Napabuntong hininga si Zack at deretsong tumingin. Seryoso, walang halong emosyon.

Ang ibig nyang sabihin ay, kung papayag ba si Mommy.


BOOK 2 OF MY LIFE: THE BEGINNING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon