Chapter 2

5 0 0
                                    


Arianna's Point of View

First Day

Pilit kong iniaabot ang alarm clock ko upang patayin iyon. Nang mapatay ko ito, agad akong bumangon at tumingin sa salamin. Napangiti ako ng maalalang, pumayag si Mommy sa pag-punta namin sa resort nila Symin.

Flashback...

Maaga kaming nasipauwi. Nang makarating kami sa bahay, agad kaming sinalubong ni Mommy ng halik sa pisngi na agad naman naming sinuklian.

"Mommy.." pamauna ni Zack. Nakanguso ito dahilan na may sasabihin sya.

"Gwaenchana?" tanong ni Mommy. Tumango si Zack at tumingin sa akin.
(Translation: Are you okay?)

Tss, ako na naman ang uutusan.

"Ah, inaya po kasi kami ni Symin para sumama sa resort nila bukas. 7 days iyon at halatang lahat ay makakapag-enjoy. Makakapag-aral pa rin naman po kami. P-Payag po ba kayo?.." pahina ng pahina ang aking boses. Ayaw kasi ni Mommy na pinababayaan ang aming pag-aaral sa walang kakuwenta-kuwentang bagay lamang.

Naghihintay kami ng sagot ni Zack. Pero, isang pag-iling ang aming natanggap. Nanlumo ako, lumiwanag ang mukha ni Zack.

Tinignan ko pang muli si Mommy at laking gulat na bigla itong tumango!

"T-Talaga?" ani ko.

"Mm, oo. Pumapayag ako, pero huwag ninyong pababayaan ang inyong pag-aaral, ha?" paalala nito. Tumango ako sabay saludo pa.

"I'll pack my things!" si Zack. Naexcite rin haha!

End of Flashback...

Sandali pa akong natigilan sa aking pagmumuni-muni ng magvibrate ang aking phone. Agad ko iyong kinuha.

Mensahe mula kay Fros at Jizelle.

Binasa ko ang laman niyon.

From: Jizelle Kyot :)
Bawal daw malate sabi ni Symin! Saktong 10am dapat nasa labas ka na ng bahay ninyo. See you!

"Tss, sya naman ang laging late!" singhal ko at muling binasa ang mensahe ni Fros.

From: FrosT *
Hey, are you ready? Did you pack your things up? Well, good morning! See you later!
To: Ariannangmaganda

"Kailangan english? Teh, umagang umaag dinudugo ilong ko" pagkausap ko sa sarili ko. Nilapag ko ang aking phon sa mesa at tumungo na sa C.R upang maligo.

Matapos maligo, humarap ako sa salamin para tignan kung bagay ba sa'kin ang napili kong blouse at skirt na isusuot ko. Simple lang iyon, blouse na kulay krema at skirt na kulay light blue.

Nang maiayos ko na ang sinuot ko, nag-lagay ako ng light make-up at tinirintas patagilid ang aking buhok. Saglit pa aking ngumiti sa salamin at sinukbit ang isang malaking bag na dala ko.

9:40 na, nandyan na kaya sila?

Pagbaba ko galing kwarto, naabutan ko si Zack na natutulog habang nakasukbit pa ang isa ring malaking bag na kanyang dala.

Antukin!

Lumapit ako sakanya at tinanggal ang kanyang headset. Nagising ito at dali-daling tumayo.

"Nasan na sila? Iniwan ba nila tayo?" sunod sunod nitong tanong. May pagka OA rin 'to minsan eh.

"Wala pa sila---"

Beep Beep!

"Oh, ayan na pala!" si Zack na animo'y parang batang first time makapunta ng Disney Land. Sumunod ako sakanya papasakay ng Van.

BOOK 2 OF MY LIFE: THE BEGINNING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon