CHAPTER 15

21K 558 64
                                    

Ziana's POV

"Mommy, wake up! Wake up!" Nagising ako dahil sa boses ni Hera.

Pagmulat na pagmulat ko, nakita ko silang tatlo na nakaupo sa gilid ng kama. Kumunot ang noo ko dahil ang aga pa at bumungad na sa akin ang sobrang lakas na boses ni Hera.

"Morning Mom," blankong bati ni Hazielle.

"Morning Mom," bati rin ni Hero.

"Good Morning my beautiful Mommy! Wake up now, we want you to cook for us for breakfast!" hyper na sabi ni Hera.

"What do you wanna eat for breakfast?" tanong ko sa kanila.

"It's up to you Mom," sagot ni Hero.

"Hmm, okay. I know what I'm gonna cook. Come," nakangiting sabi ko.

Sleeping and waking up seeing my babies' faces first thing in the morning is life. They're my life.

"Yey!" sigaw ni Hera at nagtata-talon pa.

"Stop it Hera, you're so noisy," reklamo ni Hero. Nag pout naman si Hera.

"You're so KJ Hero. Hazielle, I'm not noisy, right?" tanong niya kay Hazielle.

"You are," simpleng sagot nito na lalo niyang ikinanguso.

"That's enough. Lets go," yaya ko at sumunod naman sila.

Sobrang ingay naman ang naabutan namin sa sala. Ingay nila Steph. Pinapunta ko muna yung tatlo sa garden dahil nandoon din ang ibang mga bata.

Nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text

From: Zavier

Ikaw na muna bahala sa mga bata. Hindi ko sila mapupuntahan ngayon kasi may inaasikaso kami ni Jasmine.

Tsk, mas inuna pa ang pakikipag landian kaysa sa mga anak niya? Anong aasikasuhin naman yun? Bahala nga sila. Tsk.

"I believe I can fly! I believe I can touch the sky!" rinig kong kanta ni Steph, Gorcelle at Chrystal.

"Ba't ba ang ganda ko?" tanong naman ni Jashiel sa sarili habang may hawak na salamin at ini-examine ang mukha.

"Hoy bruha! Mabasag yang salamin kanina ka pa riyan!" Binatukan naman ni Shanelle si Jashiel.

"Celle, matagal pa ba yan? Gutom na ako!" reklamo ni Abby.

"Emegesh! Ang cute cute ko!" sabi ni Charlene habang nag seselca.

"Tsk, ingay niyo," cold na sabi ni Alex habang pinagmamasdan ang nagkakagulong mga babaeng baliw sa pamamahay ko. Yes, baliw.

Dumiretso ako sa kusina para ipagluto ang mga anak ko. Nakasabay ko pa si Celle na naghahanda rin pala ng almusal.

Napansin naman nila ako kaya natigil sila.

"Good Morning, Ziana!/Ziana unnie!" sabay sabay na bati nila maliban kay Alex na prenteng nakaupo.

Tinanguan ko lang sila.

"Acckk!" Bigla namang napasugod rito sa lababo si Steph at nagsuka.

Hinagod ko ang likod niya dahil ako lang naman ang pinakamalapit sa kaniya. Anong nangyayari dito sa isang to?

"Anyare sayo?" tanong ni Shan at lumapit dito.

"May nakain bang masama?" tanong din ni Jashiel.

Binigyan naman ni Celle ng tubig si Steph.

"Unnie, wala ka namang sinuka eh," Chrystal said.

"Tsaka Steph, nung isang araw pa yan ah," sabi ni Charlene

The New Mafia Empress [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon