CHAPTER 26

17.9K 340 72
                                    

Continuation...

Shanelle's POV

Nakatingin lang ako ngayon sa labas ng bahay habang nakatambay sa veranda Master's bedroom. Gabi na. Buong maghapon, hinayaan kong mag bonding si Kit at Shawn.

Hindi pa kami nag uusap ni Kit.

Hindi na ako nabigla nang may tumabi sa akin ng upo sa upuan at niyakap ako patagilid. Hindi ako umimik at dinamdam lang ang yakap ni Kit na talagang na-miss ko.

"I miss you, Shan..."

Napangiti ako sa sinabi niya. Marupok na kung marupok pero hindi ko talaga siya matiis nang matagal.

"I miss you too, Kit," sagot ko at hinaplos ang buhok niya habang siya naman ay binaon ang mukha niya sa may leeg ko.

"I remembered everything now. Nung gabing nangyari yon, may nilagay sila sa inumin ko pagkaalis na pagkaalis niyo. I-I made out with someone because of that but I can assure you that I didn't have sex with her..."

Hinayaan ko siyang magpaliwanag habang patuloy pa ring hinahaplos ang buhok niya.

"I love you, Shan. Mahal na mahal ko kayo ni Shawn at hindi ko kayang mawala kayo sa akin. Hindi ko kakayanin. Months without the both of you was a hell for me. Kinailangan ko lang ayusin ang sarili ko para pagbalik niyong dalawa sa akin, maayos dapat akong haharap sa inyo."

Napatawa ako nang marahan. "So, umaasa kang babalik pa rin kami?"

Naramdaman ko ang pagtango niya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ko.

"Oo naman. Hindi ko hahayaang masira ang pamilya natin nang ganon-ganon na lang. And I will never give you to other man because you're mine. You're my wife, we have a son. Hinding hindi ko hahayaang mawala kayo sa aking dalawa ng anak natin."

"Huminga lang naman ako sandali eh. Kasi ang sakit ng ginawa mo, Kit." Humigpit ang yakap niya nang sabihin ko yon.

"I know, Shan. Kaya babawi ako, pangako."

"Don't promise me. Just do it."

Umalis siya mula sa pagkakabaon ng mukha niya sa leeg ko at tinignan ako sa mata habang nakahawak sa pisngi ko. Then he travelled the distance between our lips and kissed my lips gently.

...

Abbygaile's POV

Pagkarating sa bahay namin mag asawa ni Christian, wala pa ring nagbago. Ganoon pa rin ang pagkakaayos kung paano ko ito nilisan kasama ang anak ko. Malinis, maayos at walang nagalaw ni-isa.

"I kept our home clean and didn't move anything. Alam ko kasing ayaw mo nang iniiba ang pagkakaayos ng mga gamit sa loob ng bahay natin," sambit niya sa likod ko.

He's carrying our sleeping daughter on his shoulder. Nilingon ko siya. I found him staring at our daughter's sleeping face while smiling. Nakita ko rin kung gaano kahigpit ang yakap niya sa anak namin na para bang ayaw niya itong mahiwalay ulit sa kaniya.

Napansin niya ang titig ko kaya nilingon niya ako at ngumiti nang alanganin.

"Sorry. I just missed you and our daughter so much. I still can't believe that I'm with the both of you again."

Hindi ako nakapagsalita. Kinuha niya ang kamay ko habang karga pa rin ang anak namin at dumiretso kami sa dati naming kwarto mag asawa. Binaba niya ang anak namin sa kama at inalalayan niya naman akong humiga sa tabi nito.

Hindi ako umimik habang patuloy lang na pinapanood ang galaw niya. He carefully wrapped the comforter around my body after removing my heels. He kissed me gently on my forehead before caressing my cheeks.

The New Mafia Empress [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon