CHAPTER 21

20K 506 39
                                    

Zavier's POV

"Babe!" Sigaw agad ni Jasmine nang makita niya ako.

Hahalikan niya na dapat ako nang umiwas ako. I am here to set things right and back to its proper place.

"Sit down." tanging sabi ko at sumunod naman siya.

"Ano bang pag uusapan natin?" Nakangiting tanong niya.

Nakaramdam naman ako ng guilt sa gagawin ko. She doesn't deserve to get hurt when all she did was to love me with all her heart. But she doesn't deserve me neither who's still in love with someone and will continue loving that someone.

She deserves someone better.

"I'll go straight to the point. Let's stop this," sabi ko at tinignan siya nang blanko.

Gulat ang rumehistro sa mukha niya at may tumulong luha sa mata niya pero pinilit niya pa ring ngumiti. Napaiwas ako ng tingin.

T*ngina ang g*go ko!

"Y-you're kidding, r-right?! Zavier, what about our baby? You know that I'm pregnant, right? Bakit?" Umiiyak na sabi niya.

Huminga ako nang malalim at hinarap siya ulit.

"Hindi ko nakakalimutan yun. Susustentuhan ko ang bata. Jasmine, I have my own family and I realized that I can't live without them. I love my kids, and my wife. I still love my wife. I love my family. Hindi ko naman kakalimutan ang anak ko sayo. At yung tungkol sa kasal, wag na nating ituloy." Padabog siyang tumayo at sinampal ako.

"How dare you Zavier?! Pagkatapos ko isuko lahat lahat makasama ka lang ganito ang isusukli mo?! Sarili kong ama tinalikuran ko para lang sayo!" Hindi ako nakasagot.

"Please Zavier, wag mo ko iwan!" Umiyak siya nang umiyak at lumuhod sa harap ko habang nakahawak sa braso ko.

"Don't kneel in front of me, Jasmine. Buo na ang desisyon ko. Hinding hindi ko kakalimutan ang anak ko sayo. Pero Jasmine, mahal ko pa ang asawa ko at hindi mo deserve magpakasal sa lalaking may mahal pang iba."

Umiling siya. "M-Magagawan ko naman ng paraan yan! Pwede mo akong mahalin ulit! Wala naman na siya. Wala na rin ang mga anak niyo! Magsimula ulit tayo at bumuo ng sarili nating pamilya, Zav. Please don't do this to me!"

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para itayo siya.

"Jasmine, maganda ka, mayaman, mabait at matalino. Maraming mas deserving na magpakasal sa'yo, pero sa tingin ko hindi ako ang taong yon dahil mahal ko pa ang asawa ko."

Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti nang maliit sa kaniya.

"I will still do my responsibilities as our baby's father but that's it. I'm not gonna marry you, Jasmine. Kasi kapag ginawa ko yon, sasaktan ko lang ikaw pati na rin ang sarili ko at ang mga anak ko pati ang asawa ko."

"Zav..."

"Noon ko pa hinihiling na sana buhay pa ang asawa ko dahil mahal na mahal ko talaga siya. At ngayong buhay naman talaga siya, wala akong palalagpasing pagkakataon para makasama lang ulit siya."

"No... Zav. Wag mo akong iwan please."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya.

"I love you, Jasmine."

"Kung ganon, wag mo akong—" bago pa siya matapos, dinugtungan ko na ang sasabihin ko.

"But not much as I love her."

Binitawan ko na ang braso niya at umatras.

"Sorry, Jasmine." Yan na lang ang nasabi ko at umalis na ako.

The New Mafia Empress [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon