Entry1

7.4K 99 5
                                    

 Ian's POV

Ako lang may POV dito, kwento ko lang ito. Hahahahah, unang araw noon nung nakita ko siya, para bang gusto ko umalis sa tabi ni mama para lang sundan siya. Kaya lang kapag hindi talaga ata hindi talaga. Natapos akong magenrol pero hindi ko narin siya nakita.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya, ang tanging alam ko lang kung gaano kagwapo, kakisig pakiramdam ko nga may abs yun di lang halata. Sana naman kalevel year ko lang siya. Ang sakit naman kasi sa puso kapag ggraduate na siya kalilipat ko pa lang.

Kaya lord please wag po ha? Bigyan mo naman ako ng other year na kasama ko pa siya. Hahahaha parang mamatay lang no. Huminga ako ng malalim okay panibagong upuan, uniform, teacher, classmate at panibagong friends? Magkakaroon kaya ako non? I hope so.

Okay fine kaya mo to Ayan! Pumasok ako sa loob ng room. Ako pa lang ata ang tao bakit naman ang aga ko? Si mama kase eh! Tinulak ko yung pinto wala talagang tao buti na lang malinis dito sa SPU.

Umupo ako sa isang side.

Anong gagawin ko dito 6:45 pa lang?

Nagulat ako ng biglang may pumasok.

Classmate ko ba sya?

Shit totoo ba?

"Hi" I said.

"Bagong lipat ka?" Bakit ang sungit niya? Tumango na lang ako at ngumiti.

Tapos bigla siyang lumabas ng kwarto so hindi ko siya classmate ganon ba? Lumabas din ako ng room ng nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto.

"Uhm bagong lipat kadin?" Grabe kung may kakilala lang ako dito kahit crush ko siya nunca di ako makikipagusap sakaniya.

"Mukha ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. Bakit ba ang sungit-sungit niya?!

"Pinaglihi kaba sa sama ng loob? Bakit ang sungit-sungit mo!" Napahawak ako sa bibig ko oh no. Shit bakit kasi ang sungit niya eh.

“Bakit ang feeling close mo?” Nanlaki yung mata ko. How rude.

“Agad-agad I’m just asking you, kapal ng mukha nito” Then I heard him laugh. Bakit ang cute niyang tumawa?

“Alam mo luma na yang paraan mo eh, Ginawa na sakin ng lahat ng babae iyan, May gusto ka sakin diba?” Nanlaki yung mata ko, I swear to god na maninipa na ako ng lalaki ngayon. Bakit ang pangit ng ugali niya!

“Tss ang yabang mo din” Naiinis na tumalikod ako sakaniya, binabawi ko na yung sinabi kong gusto ko siya. Jerk akala ko makakahanap na ako ng lalaking gwapo na hindi mayabang but I guess I’m wrong mukhang nasa kabilang panig ng mundo ang lalaking iyon.

Nagulat ako ng may tumakbong bata sa harap ko. Why he so cute? Siguro naglalaro yung age niya around five or seven.

I am his Stalker. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon