Entry6

3K 63 0
                                    

Ian's POV

Hindi ko naman talaga maitindihan yung sarili ko, nandito padin ako sa canteen para ngang ayoko ng pumasok sa last subject namin eh. Makikita ko siya, baka sampalin ko siya eh. Hays

Naglakad-lakad lang ako parang tanga ako magisa.  Iniisip ko parin yun. Iniisip ko kung bakit siya ganon! Bakit ang playboy niya piste siya nakakainis. At sa dinami-dami talaga ng lalaki sa mundo sakaniya ako nainlove God!

Masungit siya, pero bakit hinahabolhabol siya ng kababaihan? Nakakainis lang sa part ko na wala akong magawa kundi titigan siya makipaglandian.

Damn kasi bakit siya pa? Pwede namang iba?

Kahit na alam kong walang tatalo sa kgwapuhan at kakisigan niya.

Blengbleng~

Bell na, naglakad ako pabalik sa room nakita ko siyang nandoon parin, pinagkukumpulan ng mga babae at pinagkakaguluhan. Nagkunwari akong walang nakikita at naririnig. Nagdirediretso lang ako ng lakad. Hinding-hindi ko siya titignan.

Nagulat ako ng may humablot ng kamay ko, napangiti ako. Nabura yung ngiti ko ng makitang isa sa classmate kong lalaki yun.

“Drew anong kailangan mo?”

“Nagseselos ka diba?” Ngumiti lang ako at umiling. Bakit ako magseselos may karapatan ba ako? Yan ang laging sagot ng mga bitter alam ko.

“Kita naman ayan eh” I smiled.

“Hindi ako nagseselos Drew, ah uwian na ba?”

“Oo pero wala na ata doon yung bag mo sarado na yung room” Napakunot yung noo ko.

“Saan napunta yung bag ko?”

“Hindi ko alam eh, una na ako Ayan bye” Kumaway lang ako. Nasaan kaya yung bag ko? Nagalakad ako pabalik ng canteen nakita ko si Kane nakatingin siya sakin, nakakunot yung noo niya. Bakit niya ako tinitignan ng ganyan?

“Sino yun boyfriend mo?” Seryosong tanong niya. Dyusko gwapo nga, mayaman, matalino sikat, napakamanhid naman tingin niya kaya magboboyfriend pa ako ng iba sa lagay nito?

“Ewan ko sayo kane, nakita mo ba yung bag ko?”

“Bakit hindi mo itanong sa boyfriend mo” Nakakainis tong lalaki na to.

“Kanino ko itatanong may boyfriend ba ako?” Inirapan ko siya, nakakainis ginagawa niya ako lalong tanga. Nagulat ako ng kasunod-sunod ko na siyang lumalabas ng gate ng school at dala-dala niya yung bag ko.

I am his Stalker. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon