Entry3

3.3K 70 0
                                    

 Ian's POV

Madilim na pero hindi ko alam kung nasaan na ba ako.

“Manong nasaan na tayo?”

“Wag ka magalala iha dadalhin kita sa langit” Bigla ata akong kinilabutan sa sinabi ni manong.

“Para na ho”

“Dito kana?” Nakangisi niyang sabi, tumango ako at nagbayad. Tumapat kami sa isang gate hindi ito ang bahay namin pero nakatitig parin sakin si Manong kaya dahan-dahan akong kumatok.

“Mommy I’m here” Nanginginig kong sabi, mga ilang sandali may nagbukas ng pinto at narinig kong humarurot ang paalis na tricycle. Nahimtay ata ako sa takot dahil pagbukas ng pinto puso kadiliman na lang ang nakikita ko.

~

“Iha?”

“Iha are you okay?”

“Girlfriend are you okay?” Nanlaki yung mata ko dahil nakikita ko si Steven nasaan ba ako? Nasa bahay ako nila Kane? Napakagat ako sa labi ko.

“Tita mauna na po ako, thankyou po” Ngumiti ako. Pero pinaupo ako ulit ng mama ni Kane.

“Call me Tita Dane, ipapahatid kita kay Kane” Umiling ako at ngumiti.

“Please iha” Napilitan akong tumango. Nakita ko si Kane na nakasandal sa hamba ng pinto.

“Thankyou kane” Naiiyak ako kasi puro kahihiyan inaabot ko. Nagulat ako ng yakapin ako ni kane. Totoo ba ito? Niyakap niya ako. Di nga?

“Sa susunod wag na lang matigas ulo mo” Iniwan nya akong tulala. Shit bakit ata parang bumait sakin si Kane? Mahal niya na ba ako? Ang assuming ko diba? Pero ano bang nangyari?

Napangiti ako. Shit one point isusulat ko ito sa Diary ko,.

“Ian (Ayan)!”

“Ayan na” Natawa ako kinikilig parin kasi ako eh. Kasi naman si Kane eh. Nakita kong nakitingin sakin ng seryoso si kane.

“Anong ngingiti mo?” Napangiwi ako, balik suplado mode uli?

“Wala?”

“Sumakay kana, baka magbago pa isip ko hindi na kita ihatid” Nagmadali naman ako sumakay. Yayakap ba ako sakaniya? Hahawak ba ako sa balikat niya? Saan ba ako hahawak? Bakit ba kasi sa single pa kami sumakay? Nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at dalhin sa bewang niya.

“Kumapit ka mabuti, alam ko naman gusto mo yan” Gusto ko mainis kapag nagyayabang siya pero mas gusto ko ata kiligin sa ginagawa niya. Kane yung puso ko, paano pagnainlove ako sayo? Sasaluhin mo ako.

“Ahhhhhhhh!!!!!” Napatili ako ng humarurot yung motor naramdaman ko yung kamay ni Kane na nakahawak sa kamay ko habang nakayakap ako sa tiyan niya.

I am his Stalker. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon