Entry4

3K 62 2
                                    

 Ian's POV

Lumipas ang ilang araw. Ilang araw ko narin siya nakakasama second grading na ata? Ang bilis ng panahon at ang bilis din na mahalin ko siya. Sinusundan ko parin siya pauwi pero lagi niya ako nahuhuli at ako na ang inihahatid niya.

Alam niyo yun? Yung feeling na mapapaisip ka na lang kung may gusto ba siya sakin? Bakit siya ganyan? Ayoko maging assumera pero kapag naiisip ko yung mga pinagagawa niya naiisip ko tuloy na may chance.

Haaay.

Pagpasok ko ng room nakakita ako ng babae at lalaking magkayakap. Ang aga-aga pa. Bakit may ganito agad aber? Nagulat ako ng naghalikan sila. Hindi ko alam bakit ako yung namumula.

“Iloveyou Kane”

Ano daw?

Kane?

Huminga ako ng malalim, hindi pwedeng si Kane yun, Malabo allergic ata sa babae iyon eh. Nagulat ako ng humarap yung lalaki and. . naiiyak ako paksheet.

“I love you too”

Nakatitig lang ako sakanila, namanhid ata yung buong katawan ko. Nakita kong napalingon sa gawi ko si Kane. Umiwas lang ako ng tingin nagpunta ako sa sulok kung saan pwede ako umiyak.

Hanggang sa dumating yung mga classmate namin at si Ma’am Tunazon. Nakatingin lang ako ng diretso sa balckboard. Hindi ko kailangan maapektuhan makkalaimutan ko din yung kanina.

“Goodmorning Class”

Isa-isa kami tumayo at binati si Ma’am.

“Okay class maghanap kayo ng partner nyo pupunta tayo sa Lab” Hindi ako tumayo di ako tuminag. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na maraming pumunta sakaniya at nagaagawan na maging kapartner niya.

Ayoko siya maging partner.

Ayoko.

Tumayo ako para lumabas sana ng room, nagulat ako ng may humila sakin. Napakunot yung noo ko.

“Bitawan mo ako” Malamig na turan ko. Bakit? Masakit eh.

“Sorry girls siya na kasi yung partner ko” Rinig na rinig kong sabi niya, Hindi niya padin kasi ako binibitawan. Inalis ko yung kamay na niya sa braso ko.

“Hey, anong problema mo?”

“Wag mo ako hawakan” Mahinang bulong ko, Hindi ko alam pero ang sakit-sakit ng puso ko.

“Wag mo sabihin hindi mo na ako gusto?” Tumalikod lang ako sakaniya at nagsimulang maglakad papunta sa laboratory. Pumasok kami isa-isa sa room.

“Dexter may kapartner kana?” Ngumiti lang siya sakin at umiling.

“Pwede ako?” I smiled. Tumango naman siya.

Hanggang sa maguwian hindi na ako kinausap ni Kane. Okay fine I don’t care. Manhid ako ngayon kaya kahit hindi niya ako kausapin hindi na ako masasaktan. Nauna ako lumabas ng school.

Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng gate. Siguro hinihintay yung girlfriend niya well I don’t care. Damn him. Hindi ko na siya tinignan dirediretso na akong lumabas ng gate.

“Oh hindi mo na ako mahal niyan” Napahinto ako, pero tumuloy din ako ng paglakad kahit ano pang sabihin niya.

“Hindi mo ba ako susundan man lang? Stalker kita hindi ba?” Napahinga ako ng malalim. Wala na akong pake sa puntong ito gusto ko na tapusin yung pagmamahal ko sakaniya.

“Kaya mo na akong hindi kausapin ngayon” Napaismid ako diresiretso lang ako sa paglalakad wala na akong pake. Wala na talaga. Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko at isandal ako sa pader.

“Bakit mo ako iniiwasan?” Nung unang beses niya sakin ginawa to, nagwawala yung puso ko. Bakit ngayon parang gusto ko siyang sampalin na lang? Haaays.

“Pwede ba Kane, uuwi na ako” Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata kasi alam kong masasaktan ako.

“Look at me” No I can’t ayoko.

“Let me go Kane” Gusto ko na umuwi, gusto ko umiyak sa kwarto ko. kase nagdurugo yung puso ko. Kaya kung pwede lang palayain mo ako! Kung kaya ko lang sabihin sana ang lahat ng ito.

“No”

“K- nagulat ako ng lumapat yung labi niya sa labi ko. Yung puso ko mabilis na mabilis ang pagtibok daig pa may nagmamarathon na isangdaan katao sa loob nito. Hindi ko alam bakit ayoko pumikit pero kasi. Kasi. Kasi. .

“Ingat ka pauwi”

Narinig kong sabi niya bago niya ako halikan sa pisngi. Namula ata yung buong katawan ko sa ginawa niya. Yung firstkiss ko nakuha na niya! Yung puso ko din nakuha na niya! Alin pang susunod? Pero bakit ako wala pa atang nakukuha sakaniya?  Napahawak ako sa labi ko.

Naglalakad ako ng wala atang pupuntahan dyusko Kane, Anong ginagawa mo sakin? Gusto mo ba talagang mabaliw ako? Itigil mo to please. .

Pagkauwi ko nakatitig lang ako sa kisame.

What the hell?!

Ang bilis padin ng tibok ng puso ko, hanggat kelan ba siya titigil sa pagtibok ng mabilis at malakas? Alam ko naman na ganon eh. Kaya lang nung hinalikan ako ni Kane lalo nagrigodon yung puso ko. Damn this feeling.

Ringgg~~

"Hello?"

"Ang sarap pala ng labi mo"

"Wrong number ka" Ibaba ko na sana nung nagsalita siyang muli.

"Ian. ."

Pagkatapos nun binaba ko agad yung tawag ayoko siya makausap kahit marinig man lang. Magkakasakit ako sa puso sa ginagawa niya. Bakit kapa ganito kane? Sheet.

~~

Napakalandi pala ni Kane ngayon ko lang napagtanto. Hahahahahaha Hi thisssssssss gusto ko tapusin to kase awang-awa ko sa ibang story ko eh. Hahahah Sorry if hindi po ako nakakapagupdate sa iba, sa totoo lang po gustong-gusto ko kaya lang ayaw gumana ng utak ko. Maintindihan niyo po sana Labyu guyth vote & comment.

I am his Stalker. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon