Yeoseot -

0 0 0
                                    

"Jacey may lakad ka next week?" Masiglang tanong ni Chloe. Nilingon ko siya at umupo sa upuan sa canteen.

"Meron eh." Tipid kong sabi.

Gosh! Lumungkot ang itsura niya at pinilit na lamang na ngumiti.

"Ano bayan! Kapag sinasama kita lagi kang busy o di kaya kasama mo si Matt. Wala ka ng time sa akin." Bigla akong natawa sa huling sinabi ni Chloe. Sira talaga siya kahit kailan.

Sabagay tama siya, ilang weeks or maybe months na ata ang lumipas ni hindi ko na nakakasama si Chloe. I admit may kasalanan din ako minsan lagi na kasi akong kay Matt lang, school, bahay tapos. Wala na akong social life di tulad noon.

"Bakit ka natawa? O.A na ako alam ko." Sabay irap niya. Defensive wala nga akong sinabi eh.

"Wala ang cute mo talaga Chloe. BTW kung pwede lang magsama sa swimming edi sana sinama ko na kayo ni---" bigla niyang pinutol.

"Matt." Sabay singhap. Uminom siya sa kanyang juice at tamad na tumingin sa akin.

"Chloe, huwag ka na magtampo. Besides nagkikita parin naman tayo at kahit hindi tayo nakakalabas BESTFRIEND parin tayo." Sabay ngiti ko at tsaka kumain.

"Nakakainis ka sabi mo sa akin kahit magka boyfriend you will choose me over him pero anong nangyare? I understand ayan yung nagagawa ng love." Sabay ubos ng kanyang pagkain. Malungkot itong uminom ng tubig.

Ganoon na ba ako kasama? Hindi ko na ba talaga nagagampanan ang pagiging isang bestfriend sa kanya?

"Im so sorry Chloe hindi ko sinasadya don't worry babawi ako sayo." Sabay hawak sa balikat niya para kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya.

"Haay Jacey nakonsensya ka naman agad." Sabay tawa niya ng malakas.

Napakunot ang noo ko sa kanya. Why she's laughing? Is she crazy now? Tumigil siya sa pagtawa niya at tumingin sa akin na nagpipigil parin ng tawa.

"Look Jacey Im just excercising my skills and I guess Im good at it na." Sabay tawa niya.

Skills? Exercising? Haaa. Nakakatawa talaga.

Tinaas ko ang kilay ko sa kanya. At sinamaan ko siya ng tingin. Magpaliwanag ka ngayon.

"Ok Im very sorry, as I've said earlier nag pa-practice lang ako pero half meant naman yun. Dapat lang na bumawi ka sa akin hindi porket may boyfriend ka kakalimutan mo na agad ako." Sabay inom niya ng juice niya.

"Fyi lang ikaw una nagka boyfriend sa atin noh." Pagtataray ko pero hindi ibig sabihin nun ay falit na ako haha.

"Ginawa ko ba yun? Lagi nga kita sinasama kapag may lakad o date kami ehh nagmumukha pa nga siyang bodyguard kasi ikaw yung ine-entertain ko." Sabay taas niya ng kilay niya.

"So sumbatan to? Ganoon magsusumbatan tayo?" Seryoso kong sabi.

"Ikaw kasi inungkat mo pa ngayon alam mo na." She have a point naging makasarili kasi ako pagdating sa love. Sino ba naman kasi ang hindi nakuha ko ang gustong-gusto ko kahit matagal ay nakuha ko siya kaya hindi niyo ako masisisi kung ganoon na lang ako kabaliw sa love. Masakit kasi yung gusto noya noon ay pinsan ko sobrang sakit yes maganda siya, at ang bait bait niya. Simple at hindi tulad ko na tingin ng iba ay basagulera. Pero tignan niyo ngayon kahit ganoon ang nangyari ako ang pinili ni Matt ako ang minahal niya. And sorry sa mga tao na nakalimutan ko dahil lang sa pagkabaliw ko. Ayoko kasi na ipagpalit niya ako dahil alam ko na masakit at hindi ko alam kung makakaya ko ba.

"Im so sorry Chloe, babawi ako next time. Sorry kung yun ang nafefeel mo. Im so sorry Chloe." Sabay lapit ko sa kanya at hinug ko siya.

"K fine ok na sa akin ang starbucks." Napabitiw ako sa sinabi niya.

"Starbucks? Aba nag demand pa." Pambihira talaga to si Chloe.

"Eto naman joke lang naman, at alam ko naman na mas higit pa duon ang libre mo sa akin." Sabay tawa niya.

Bestfriend ko nga talaga siya baliw kasi eh tulad ko. Loka loka to kahit kaya niyang bilhin gusto pa magpalibre. Hindi kami ganoon kayaman nakakaloka talaga tong babaita na to.

Sa araw na ito sabay kaming umuwi ni Chloe may gagawin pa kasi si Matt ngayon at kung ano man yun ay hindi ko alam.

"Na miss talaga kita Jang," sabay yakap sa akin ni Chloe habang naglalakad kami.

"Miss din kita hayaan mo ngayong weekends pasyal tayo." Sabi ko at may namuong ngiti sa kanyang napakagandang mukha.

"Promise yan ahh." Sabi niya

"Promise." Sabay pinky swear ko sa kanya.

"Diba may swimming kayo? Bawal ba talaga magsama? Naging classmate niyo rin naman akk ah?" Aniya

"Ewan ko nga eh pero bawal daw for grade 9-D lang daw yun." sabi ko

"Ano ba yan, sino ba nagsabi nun?" Tanong niya

"Sila Aurie," sabi ko

"Diba ikaw mayor? Edi sabihin mo pwede para marami," aniya

"Ano ka ba Chloe ayos lang kasi masaya pa rin naman atsaka tama naman sila para magkaroon ng bonding ang section namin na kami-kami lang." Paliwanag ko.

"K! Travel na lang tayo punta tayo ng Vigan. Gusto kong pumunta duon." Aniya

"Sige at sana hindi matapat sa pagbabakasyon namin. What if sumama ka na lang sa bakasyon namin nila mama?" Aya ko

"Hindi ako pwede magbabakasyon din kami nila mommy eh pero tignan ko kung hindi magkasabay o di kaya magsama na lang ang family natin sa pagbabakasyon?" Suggest niya

"O nga sige sasabihan ko si mama, tsaka kasama nga pala si Matthew at yung pamilya niya." Sabi ko

"What? So ano to parang namamanhikan na ganun? Ilan ba silang magkakapatid?"

"Hindi ko pa alam eh kasi kahit si Matthew ay hindi niya rin alam kasi ang tagal niyang nawalay sa pamilya niya." Paliwanag ko

"Huh? Bakit naman? Nagrebelde ba siya? Ay hindi pala siya ganun." Natawa na lang si Chloe sa sinabi niya

Oo nga noh, bakit kaya hindi ito nakilala ni Matthew? Tsaka sabi niya sa akin nun may iba pa daw siyang pangalan. Ano kayang ibig sabihin ng naiisip ko ngayon? Kasi so parang ampon o whatsoever si Matt? Gucci ang gulo can someone interpret what my mind is telling me right now?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon