TEASER

100 8 0
                                    

Asal kalye raw ako dahil sa ugali at pananalita ko—

Ay, mga punyeta pala sila, e! Pati ba naman ‘yun mapapansin at pakikialaman pa nila na sa dami ng problema sa bansa natin, ba’t ‘yun pang pagkatao ko ang kukwestyunin nila. Mga bwesit sila!

January 15, 1990 nang ipinanganak ako ng lokaret kong Ina. Ewan ko ba dun at naisipan n’ya pa ‘kong isilang ta’s iiwanan lang din naman pala n’ya ‘ko sa bahay-ampunan. Buti na nga lang at nakatakas ako noong mag-o-otso anyos ako kaya heto’t kinupkop ako ni nanay Mercedes na tindera ng mga ukay-ukay sa Baclaran.

Lumaki ako sa squatter area kaya medyo eskandalosa at magaspang ang pag-uugali ko. Allergy ako sa mga lalake lalo’t unang tingin ko pa lang, puros pagnanasa na ang nakikita ko sa mga mata nila. Pero sa kabila niyon, may isang lalake ang nakabihag sa pihikan kong puso, pero put*ng-ina, niloko lang ako nito at pinagpalit dahil sa pera.

Pag-ibig?

Ay, putcha! Nabibili na ngayon ‘yan. Basta may pera ka, kahit chaka ka pa, tiyak na kaliwa’t kanan ang maghahabol sa’yo. Baka nga magpatayan pa sila para sa’yo, e!

Si Archie De Leon ang lalakeng inibig ko noon na nasilaw sa salapi kaya iniwan akong nganga matapos makuha ang virginity ko.

Pero lintik lang ang walang ganti! Hinding-hindi sila magiging masaya ni Alona, ang babaeng mukhang lalake. Mapera lang dahil may kabit na Hapones kaya nagmukhang tao. S’ya ang kinahuhumalingan ngayon ni Archie kaya na-echapwera ang beauty ko.

Pero bilang na ang mga maliligayang araw nila dahil ibibigay ko na ang karmang naaayon para sa kanila. S’yempre, ‘di ko magagawa iyon kundi sa tulong ni Alfred Asuncion, ang anak ni nanay Mercedes na may lihim pa lang pagnanasa sa’kin.

Kapalit ng sex, gagamitin ko si Alfred para pabagsakin sila Archie at Alona.

•••

Handa na ba kayo para sa kakaibang istoryang pinagbibidahan ni Roxanne Santos; ang palaban, pasaway at saksakan ng libog na eskandalosang dalaga.

Hanggang saan nga ba ang kayang gawin ni Roxie para makaganti sa lalakeng nanloko sa kanya. Paano kung sa bawat paglalapat ng katawan nila ni Alfred ay unti-unti siyang malulong at mahumaling sa binata.

Wala nang mawawala sa’kin, kaya ano pang inaantay mo, HUBAD NA!”—Roxanne Santos.

ABANGAN …

Eskandalosa (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon