TITIG na titig sa’kin si Alfred. Sa isip siguro nito’y lasing lang ako kaya ang lakas ng loob kong utusan s’yang maghubad---agad agad!
“R-Roxanne...” napapalunok n’yang tawag sa pangalan ko.
Nais kong matawa sa ekspresyon ng mukha n’ya pero mas pinili kong magseryoso sa harapan n’ya.
“Sabi ko, hubad! Ano pang inaantay-antay mo d’yan?” nakatikwas ang kilay kong pagtataray sa kanya para na rin pagtakpan ang kabang unti-unti nang umuusbong sa dibdib ko.
‘Di pa man s’ya lubusang nahimasmasan sa utos kong iyon ay ako na mismo ang nagkusang lumapit sa kanya. Natutulalang napatitig na lang s’ya sa’kin at inaantay ang mga susunod kong gagawin.
“Alfred...” halos pabulong kong sambit sa tapat ng tenga n’ya, “Kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag kang kukontra. ‘Wag na ‘wag mo ’kong pipigilan. Naiintindihan mo?”
Balak n’ya na sanang magprotesta nang barahin ko s’ya.
“Sabi ko, ‘wag kang kukontra! Pabayaan mo lang ako sa gusto kong gawin at ‘wag na ‘wag mo ‘kong patitigilin, gets mo! ‘Di bale, hinding-hindi ka naman malulugi, e. Titiyakin kong masasarapan ka sa gagawin ko dahil ako ang magda-drive ngayon.” pagmamalaki ko sabay kindat sa kanya habang pinasasadahan ko naman ng mapang-akit na haplos ang pisngi n’ya.
Malakas talaga ang impluwensya ng alak sa sistema ko, biruin n’yong nagawa kong magmistulang parang bayarang babae sa inaasta ko ng mga sandaling ito.
Hindi ko rin alam kung saang pelikula ko nakuha ang mga linyang pinagsasasabi ko sa kanya, basta ang alam ko’y copy-cat lang ang lumalabas sa bibig ko. Mahilig kasi akong manood ng mga X-rated na palabas kapag nati-tyempuhang nagsosolo lang ako sa bahay kaya siguro iyon ang ina-apply ko ngayon.
Nanginginig na napatango lang si Alfred habang hindi na n’ya maipagkakaila sa sunod-sunod n’yang paglunok ng kanyang laway ang kalibugang nararamdaman n’ya habang nakatitig s’ya sa’kin.
Iyon ang naging hudyat ko para simulan na ang kanina pang naglalarong eksena sa isipan ko.
Inutusan ko s’yang humiga at sinunod naman n’ya ‘ko kaagad. Pumatong ako paupo sa may tapat ng kargada n’ya, pabukaka.
Dahil naka-maikling short na pambahay lang ang suot kong pang-ibaba, lumitaw sa pagkakabukaka ko ang mga hita kong malulusog na, mapuputi pa. Akmang babalikwas na sana s’ya nang pigilan ko s’ya.
“Punyemas ka naman, e! Sabing ‘wag kang kumontra!”
Nasindak marahil s’ya nang makita n’ya ang mga mata kong naniningkit na kaya napapailing na humiga na lang ulit s’ya habang hindi pa rin n’ya inaalis ang tingin sa mukha ko.
Pinabayaan na n’ya ako habang dahan-dahan kong ipinapasok ang mga kamay ko sa loob ng t-shirt n’ya. Napapakagat-labi na ‘ko nang mahaplos ko ang pusod n’yang may makakapal na balahibo o tinatawag na ‘karug’ (karugtong ng bulbol).
Napapapikit naman s’ya nang laru-laruin ko ang loob ng butas ng pusod n’ya at nang magsawa na ako’y saka ko pa lang pinagapang pataas nang pataas ang mga kamay ko hanggang sa marating niyon ang matipuno n’yang dibdib.
Hinayaan ko ang sarili kong damhin ang init na nanggagaling sa singaw ng katawan n’ya at wari nais kong sauladuhin ang bawat muscle na nandun.
“R-Roxanne...” mahinang ungol ni Alfred.
Itinapat ko ang mukha ko sa mukha n’ya. Nagtitigan kaming dalawa. Langhap ko ang amoy alak n’yang hininga na nagpatuliro sa’kin.
Saglit kong inilayo ang mukha ko sa kanya. Balak pa nga sana n’yang igalaw ang mga kamay n’ya pero pinigilan ko s’ya. Hinawakan ko ‘yun at inalalayan papunta sa tapat ng dibdib ko.

BINABASA MO ANG
Eskandalosa (R-18)
RomansWARNING: For adult only "Wala nang mawawala sa'kin, kaya ano pang inaantay mo, HUBAD NA!"-Roxanne Santos.