Chapter 3

149 5 1
                                        

JANUARY 15, 1990

HAWAK ni Francia sa kanyang bisig ang isang sanggol na babae. Tuyo na ang luhang galing sa mga mata n’ya nang sulyapan n’ya ang munting anghel na kasalukuyang natutulog.

“Patawad, pero hindi ako papayag na ikaw ang maging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko.” bulong n’ya.

Sakto namang nagising ang batang lalake na nasa tabi n’ya.

“Mommy, saan tayo punta?” inosenteng tanong ng apat na taong gulang na bata.

“Malapit na, Ziad.” humalik s’ya sa ulo ng anak.

NAYON NG KABATAAN

“Kayo na ho ang bahala sa kanya.” iniabot ni Francia ang sanggol sa isang madre na naabutan n’ya sa bahay-ampunan.

“Anong pangalan n’ya?” tanong ni Sister Susan habang hinihele ang sanggol.

“Roxanne Santos.” diretsang sagot ni Francia, "Kapangalan ng haliparot n’yang ina!" usal ng isipan n’ya.

                       °° °° °°

“UMIIYAK ka na naman?” payakap na lumapit si Mia sa ina.

“27 years kong pinagsisihan ‘yun, Mia.” napahagulgol na ang señora, “27 years kong dala-dala sa konsensya ko ang ginawa ko sa kapatid mo.”

Masuyong hinalikan ng dalaga ang buhok ng kanyang ina bago nagsalita.

“Naniniwala akong buhay pa s’ya, mommy.”

Umiling ang señora.

“Sa dami ng Roxanne Santos sa mundo, pa’no tayo makasisigurong buhay pa nga s’ya. What if, nag-iba na s’ya ng pangalan o ‘di kaya’y nag-asawa na s’ya. Naka-ilang detective na ba tayong inupahan para hanapin s’ya pero wala pa rin. Hija, 18 years na tayong naghahanap sa kanya pero ni isang clue wala man lang tayong naging lead para mahanap s’ya.” bagsak-balikat na napayakap na s’ya sa anak.

Kung sana’y hindi n’ya naisipan noon na nakawin ang anak ng asawa n’yang si Vicente sa katulong nilang si Roxanne, mayroon sana s’yang katahimikan ngayon.

•••• •••• •••• ••••

GAYA nang sinabi ko sa isip, paliligayahin at paiinitin ko ang gabi namin ngayon ni Alfred...

Marahan ko s’yang itinulak kaya napaupo ulit s’ya sa gilid ng kama ni nanay Mercedes. Tahimik na nakatingin lang s’ya sa’kin at inaabangan marahil kung ano ang mga susunod kong hakbang na gagawin.

Unti-unti akong lumalapit sa kanya na wari nang-aakit. Ni isang salita, wala akong pinakawalan. Malalagkit ang mga tinging pinukol ko sa kanya pagkatapos ay sumampa ako bigla at pabukakang umupo sa may hita n’ya. Hindi pa rin n’ya inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Inalalayan lang din n’ya ‘ko at idinantay sa likod ko ang kamay n’ya habang ang kamay ko nama’y humahaplos-halos na sa mukha at buhok n’ya.

Nagkatinginan na kami. Maya-maya’y itinapat ko na ang mukha ko sa mukha n’ya at hinuli ng labi ko ang labi n’ya. ‘Nung una’y banayad pa, ‘yung tipong style pa-virgin na halik, tamang smack-smack lang. Ta’s katagalan, dumiin na nang dumiin hanggang sa nauwi na iyon sa mainit na laplapan.

Naglulumikot na ang dila n’ya at pilit na nitong pinalalabas ang dila ko para sipsip-sipsipin iyon. Hindi na nga ‘ko halos makahinga dahil sakop na sakop na ng bunganga n’ya ang bunganga ko, pero fight pa rin. Tangina mga sabik, e!

Habang abala kami sa paglalaplapan, naging abala rin ang kanya-kanya naming mga kamay; ‘yung kanang kamay ko nakasabunot sa buhok n’ya, ‘yung kanang kamay n’ya napapadiin sa may batok ko, ‘yung kaliwang kamay ko naglulumikot sa loob ng t-shirt n’ya at ang kaliwang kamay n’ya nama’y humahaplos sa legs ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eskandalosa (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon