Chapter 1

100 6 0
                                        

“TOTOO ba, ha? Totoo bang may relasyon kayo ni Archie!?”

“Pwede ba Roxie, ‘wag ka ngang mag-eskandalo dito.” awat sa’kin ng isa sa mga kaibigan ni Alona.

“Hoy, ikaw!” sabay duro ko sa babaeng parang alambre ang buhok, “Wag kang makikisabat dito kung ayaw mong isampay ko d’yan sa buhok mo ‘yang foam ng bra mo!”

Agad naman itong nanahimik at lumayo sa harapan ko.

“Pwede bang huminahon ka muna, Roxie. Baka gusto mong ipapulis kita. Hindi mo ba alam na trespassing ‘yang ginagawa mo.” malumanay man pero mahihimigan pa rin sa tinig ni Alona ang pagbabanta.

Tanginang babaeng ‘to, ang lakas ng loob manakot porket mapera s’ya. Pero ‘di naman ako basta-basta magpapasindak sa mga kupal na kagaya n’ya.

“Okay, aalis ako pero malaman-laman ko lang na nilalandi mo ang boyfriend ko, tandaan mo ‘to...” umarko muna saglit ang kilay ko, “...pasasabugin ko ‘yang pagmumukha mo!”

Pagkatapos niyo’y tinitigan ko ng masama ang mukha n’yang parang ilang beses nang nadaanan ng karayom sa kare-retoke kaya parang tumabingi na.

“Tinatakot mo ba ‘ko?!” nakataas din ang kilay na tanong n’ya.

“Bakit, natatakot ka ba?!” nang-uuyam kong balik-tanong sa kanya.

“Sino ka naman para katakutan ko, aber? Isa ka lang namang hamak na squatter kaya nga wala kang ka-modo-modo, e!” sigaw n’ya sa’kin na nagpakulo ng dugo ko.

“Ah, ganun! Pwes, ipapakita ko sa’yo ngayon ang totoong ugaling squatter—”

Bago pa man s’ya nakapalag, nahila ko na agad ang buhok n’ya habang ang isa ko namang kamay ay walang sawang pinagsasampal ang kabilang side ng mukha n’ya.

Nabigla naman ang kaibigan n’ya sa ginawa ko kaya hindi ito agad nakaawat samin. Nagtititili lang ito dahilan para magsipag-lapitan samin ang iba pang mga tauhan sa club.

Palaban din naman si Alona at kinakalmot n’ya ‘ko. Lalo naman akong nanggigil sa kanya kaya lalo ko ring ipinulupot ang kamay ko sa buhok n’ya.

Nanonood lang samin ang mga taong naandoon na para pa ngang tuwang-tuwa ang mga ito dahil nagkaroon ng libreng eksena na mala-pelikula. Ilang sandali pa’y naramdaman kong inaawat na kami ni Archie.

Nang tuluyan na kaming napaghiwalay ni Alona, narinig kong nag-iiiyak na ito at tila nagda-drama.

“Idedemanda kita!” pagbabanta n'ya sa pagitan ng pag-iyak habang nagsipaglapitan naman ang mga sipsip n’yang tauhan sa kanya at kunyaring inaayos ang nabuhaghag n’yang buhok.

“Tangina, mag-demanda ka magdamag! Hayup ka!”

Dahil sa inis at galit ko, ‘di ko na tuloy nakontrol ang bibig ko. Ramdam ko pa nga na parang isang dakot ng buhok ang nabanat ko sa ulo n’ya at naiwan ‘yun sa kamao ko.

“Tama na!” sigaw sa’kin ni Archie saka tinapunan n’ya ‘ko ng matalim na tingin.

“Pagsabihan mo nga ‘yang babaeng ‘yan Archie, wala akong ginagawang masama sa kanya pero sinaktan n’ya ‘ko!” pagsusumbong ni Alona sa nobyo ko.

“Ang kapal ng mukha mo—” akmang susugurin ko na naman sana s’ya ulit pero tuluyan na ‘kong kinarga ni Archie palabas sa lugar na iyon.

“Bitawan mo ‘ko! ‘Di pa kami tapos ng babaeng ‘yun!”

“Tama na sabi, e!” nanggigigil na sigaw sa’kin ni Archie nang maibaba na n’ya ‘ko sa labas, “Baka nakakalimutan mong si Alona ang boss ko. S’ya ang may-ari ng club na ‘to at ayaw kong mawalan ng trabaho nang dahil sa’yo!”

Eskandalosa (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon