Amarah's POV
pagka akyat ko ng kwarto ko ay dumiretso ako sa closet ko at kumuha ng mga damit tsaka pumunta ng banyo.
pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Thunder na inaayos ang gamit niya.
"Thunder doon sa dulong closet mo na lang ilagay ang gamit mo wala namang nakalagy doon puro unan lang. Ililipat ko na lang muna yon ng lalagyan"
"ako na maglilipat, salamat"
paalis na sana ako ng kwarto ng magsalita sya
"nagtatampo ka ba sakin?"
imbis na sagutin yon ay umalis nako ng kwarto.
pagbaba ko ay nakita ko si mama na nag aayos na para sa hapunan.
makailang minuto lang ay bumaba na ren si Thunder. sabay-sabay kaming naghupanan at pagkatapos nagprisinta ako na ako na lang ang maghuhugas ng pinagkainan.
habang naghuhugas naramdaman kong may Yumakap sakin at may pumatong sa balikat ko malamang ay ulo nya yon dahil nararamdamn ko ang kanyang paghinga sa aking leeg.
"Amarah"
hindi ko pinansin at tuloy tuloy pa ren sa paghuhugas..
"Amarah I'm sorry, Please?"
"Kausapin mo na ko"
"Amarah.."
nang matapos ako ay huhubarin ko na sana ang apron na suot ko ngunit di ako makagalaw dahil sa pagkakayakap nya sakin.
"Amarah..."
"bitawan moko"
"Sabihin mo muna sakin kung bakit di mo ko pinpansin"
tsk aray... yung paa ko nangangalay na
"bitawan mo ko sumasakit na yung paa ko"
bigla nya naman inalis ang pagkakayakap nya at biglang lumuhod sa harap ko para tignan ang paa ko.
"Namamaga pa ren ang paa mo, alam mo namang dapat ipahinga na lang to naglalakad ka pa"
tss paki mo ba.
maglalakad na ko papuntang hagdan ng bigla nya akong buhatin.
"Thunderrrr!!"
"Shhhh wag ka maingay maririnig tayo ni tita".
"Ibaba moko!"
di na sya nagsalita at dirediretso umakyat sa kwarto di na ako nakapalag baka mamaya mahulog pa kami sa hagdan.

YOU ARE READING
Hidden Life (on going)
Dla nastolatkówAmarah Vega's life is almost.. almost perfect , before. She thinks that Thunder is the right one for her but her fantasy came to reality. Her prince charming leave her. Her night and shining armor was gone And her first love just broke her heart An...