Chapter 13

4 0 0
                                    

Amarah's POV

sa loob ng 16 years na nabubuhay ako ngayon palang ako sinigawan ng mommy ko.


nakita kong pati siya ay nagulat sa inasta niya.

"Anak I'm Sorry." hinahawakan niya ako sa kamay pero iniiwas ko.

Nagsisimula na magtubig ang mga mata ko.

at sumisikip ang dibdib ko.

"wala pati ikaw nalason na niyang lalaking yan"

sumasakit ang dibdib ko.

hinawakan ko ito. huminga ako ng paulit ulit. pero mas malakas parin ang pag-iyak ko.

"Anak hindi ganoon yon"

tumakbo ako palabas ng bahay at pumunta sa garden.

kinakalma ko ang sarili ko dahil talagang naninikip ang dibdib ko.

"Amarah...."



"Ano?  Masaya ka na?? ha? nakita mo yon? Bat mo ba ginagawa to ha?"

"Amarah."

"Sa loob ng halos isang taon tayong kasal bakit ngayon mo lang to ginagawa? bakit ngayon mo lang sinasabi yung naklagay sa kontrata?"

"Amarah kailangan"

"Hindi! nakasal tayo ng hindi nagsasama sa iisang bubong!"

"Amarah..."

"Kung kinakailangang pakiusapan ko ang magulang mo para hindi na'to ipagawa gagawin ko!"

"Amarah ganyan ka na ba talaga? Kailangan mong gawin to dahil."


"Dahil ano??"

"May sakit ang lola mo Amarah! Kailangan ninyo ng pera para ipagamot ang lola mo!"

bigla naman ako nanlumo sa sinabi niya.

"Amarah kung ayaw mong mag sama tayo di kita pipilitin, okay lang sakin pero sana maawa ka sa lola mo. Bigyan mo siya ng pagkakataon mabuhay pa para makilala ka pa niya! Noong huling bisita ko dito ang lola mo walang ibang bukang bibig kundi ang pangalan mo! Nung nalaman nilang may apo sila agad ka niya pinahanap! Ngayon kung yan pa rin ang desisyon mo wala na kong magagawa"

parang binuhusan ako ng malamig na tubig




"s-sandali...

Oo na pumapayag nako"

pikit mata kong sinabi sa kanya yan.






**

pagbalik namin sa loob ng bahay ay nakita kong umiiyak si Mommy.



"Mo-mmy"





"Amarah anak " Bigla syang tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

"I'm sorry Mommy"

"No, I'm sorry anak. Di kita inintindi alam ko naman kung saan nanggagaling yung mga sinasabi mo I'm sorry anak"

ginantihan ko siya ng yakap.


bumitiw ako sa yakap

"pumapayag na po ako"

"anak.. "

"gagawin ko po para sa lola ko"

tinignan ko naman si unknown, ngumiti siya.  Ginantihan ko din siya ng ngiti.


Hidden Life (on going)Where stories live. Discover now