Kaya pala ngayon ko lang siya nakita kasi transferee siya.
Kumpara sa mga ka-batch namin, mas matanda siya ng 1 year. Bakit kaya? Siguro umulit siya ng isang taon o kaya late na sya nagsimulang mag-aral? Buti na lang mukha parin naman siyang kaedad namin.
Madami na akong kilala na nagkakagusto sa kanya, hindi ko sila masisi kasi nagagwapuhan rin ako sa kanya eh.
Araw-araw napila muna kami sa court bago magpasukan, shifting kasi sa school namin at panghapon kami. Inaantay naming mag-uwian ang mga pang-umaga. May 4 na section sa grade 4 na pang-umaga at 4 na section na panghapon, kung gusto mo maging pang-umaga, mauna kang mag-enroll. Dati laging pang-umaga ang section 1 pero naiba ngayong taon. Blessing na rin siguro yun sakin kasi dahil dun nakita ko siya.
Paunahan yung pila sa may malilim na bahagi ng court kaya magpasalamat ka kung may kaklase kang maagang pumasok at nagsisimula ng pila para sa section niyo. Pero sa 4-1, siguro kasi matatalino sila at masisipag pumasok kaya sa kanila lagi yung nauunang estudyante na pumapasok at nauunang pumila sa pinakamalilim na part sa court. Yung section namin, madalas nasa pangatlong hilera ng pila, medyo mainit na sa part na yun.
"Waaaaahhhhh!!!!!" Napalingon ako bigla sa gilid ko, may lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko at nakatingin siya sakin ng derecho. Nakaupo ako ngayon sa sahig katabi yung bag ko na nakalapag.
Papalapit siya ng papalapit. Di ko alam yung gagawin ko, nanlaki yung mata ko. Nung makalapit na siya, hinawakan niya yung ulo ko tapos bigla niya kong tinalunan. Napapikit ako dahil dun, tumama yung baba ko sa tuhod ko.
Bigla akong nakarinig ng tawanan, tumingin ako sa direksyon nila. Nakita ko yung tumalon sakin na tumatawa, may mga kaklase siyang lalaki na tumatawa rin. Kasama siya. At may mga ilang estudyante na nakatingin sa kanila na parang nagtataka kung ba't sila tumatawa.
"G*go 'to si Drilon oh." Natatawang sabi nung lalaking maitim.
Nakatingin sa direksyon ko yung mga lalaki, tumingin din sakin yung lalaking tumalon. Di ko alam kung anong trip nila, di ko alam kung anong nakakatawa sa ginawa niya. May sinigaw pa yung tumalon pero di ko naintindihan, tapos umarte siya na parang si King Kong na pinapatama ang kamao niya sa dibdib niya. Hindi naman ako masyadong nasaktan pero feeling ko naiiyak ako, feeling ko napahiya ako.
Hindi nag-sorry yung lalaki sa ginawa niya. Nainsulto ako lalo.
Tiningnan ko siya, tumatawa siya, ang gwapo niya pag tumatawa. Nawala konti yung inis ko. Dapat pati sa kanya naiinis ako, kasi nakitawa siya sa ginawa nung lalaki pero sumaya yung pakiramdam ko habang tinitingnan siyang tumatawa.
Ba't ganun? Feeling ko pinahiya ako, feeling ko na-bully ako, pero ang saya ko.
May mas babaliw pa ba sa pakiramdam ko?
YOU ARE READING
Her Side Of The Story
RandomKahit ikaw pa yung pinakamasamang tao sa mundo, ikaw pa rin yung pinakagusto ko.