Gwapo pero pangit ugali.
Yan yung madalas kong naririnig na komento ng ibang estudyante kay Vane.
Ang angas lagi ng awra niya tuwing nakikita ko sya. Ayoko sanang maniwala tungkol sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya kaso sa nakikita kong kilos niya, mukhang totoo nga.
Pero hindi nabawasan yung pagkagusto ko sa kanya dahil dun, parang mas lalo pang lumala. Sa paningin ko, ang cool niya, kasi di siya inaapi-api ng mga bully na estudyante, kinakaibigan pa nga siya eh.
Simula grade 1 ako, kahit kailan di pa ko nakapasok sa section 1. Yung average ko kasi madalas pasang-awa lang.
Madalas akong absent lalo na pag nakalimutan kong gawin yung assignment ko, minsan naman tinatamad lang talaga ako. May time pa nga na umabsent ako kasi magrerecite daw ng multiplication table, eh hindi ko pa yun kabisado eh at pagpasok ko kinabukasan tinanong ako ng teacher ko kung ba't ako absent, sabi ko baha sa lugar namin kaya tumirik yung motor ni tatay at di ako nakapasok, lalo lang akong napagalitan kasi di ko alam na kilala niya pala si kuya at nakita niya daw ito na pumasok, pinagbayad tuloy ako ng doble sa feeding, pwe.
Di ko pa naranasang mag-review ng lessons sa bahay, di ko din naman kasi alam kung alin sa mga tinuro samin yung ire-review eh. Nakikinig naman ako sa tinuturo, di ko lang ma-gets.
Dati, nabored yung katabi ko kaya niyaya niya kong maglaro ng sos habang may teacher na nagtuturo sa harap, pumayag ako kasi bored na rin ako, may nakakita samin tapos nagsumbong sa teacher. Nung una yung katabi ko lang yung sinumbong kaso nagtanong yung teacher kung sino yung kalaro niya kaya tinuro ako. Pinalo kaming dalawa sa magkabilang kamay at pinasagot samin lahat ng assignment.
Nagrerecite lang ako pag tinawag ng teacher, madalas di ko pa nasasagot yung tanong. Isang beses nagtaas ako ng kamay sa math subject namin kahit di ko alam kung pano isolve yung nasa board, sinenyasan kasi ako nung dalawa kong bestfriend na magtaas, nasa harapan na kasi silang dalawa at pinapagalitan ni maam kasi mali yung sagot nila. Natuwa pa nun sakin si maam kasi himala magrerecite ako. Tinawag niya ko ng nakangiti siya. Sinulat ko yung hula kong sagot tapos napasigaw si maam, "Ano yan?!" Sumunod kong narinig yung tawanan ng classmates namin. Piningot kami isa-isa, nakita kong tumatawa yung dalawa kong kaibigan pagkatapos pingutin ni maam, first time kong natuwa nun na pipingutin ako ng teacher.
Tanggap ko ng mahina talaga yung utak ko. Wala rin naman kasing nag-eexpect sakin eh.
Kahit kailan di ko hinangad magkaroon ng grade na mataas. Siguro ganito yung mind-set ko kasi walang pume-pressure sakin, di kasi strikto magulang ko, sinasabi lang nila lagi, "Yan lang nakayanan mo eh, anong magagawa natin? Wag mong pilitin kung di mo kaya." Kaya eto, di ko pinapahirapan sarili ko.
Pero ngayong taon, nag-iba. Di ko alam kung pano nagsimula. Natuto na kong mag-review sa bahay, ginagawa ko na yung mga assignments, di na ko umaabsent. Madalas ako yung highest score sa mga quiz namin pati sa periodical test. Naging top 1 ako ng section namin.
Yung goal ko talaga ay umabot sa 83 pataas yung final average ko para may chance na maging section 1 next school year. Para maging kaklase ko siya.
Pag naiisip ko kasi siya, iniisip ko yung agwat saming dalawa. Siya, gwapo. Siya, matalino, kasi di ba? Nasa section 1 siya eh, di naman siguro siya mapupunta dun kung di siya matalino. Hindi ko naman kayang i-magic yung mukha ko para gumanda kaya nag-aral na lang ako ng matino para may laban naman konti sa utak, haha.
85 yung final average ko, tagumpay na sana ako kaso nalaman kong pang-umaga yung klase ng section 1 next school year. Lahat ng pinaghirapan ko parang nabalewala. Nakakapanghina. Ang dami ko ng naisip na scenarios tungkol sa pagiging magkaklase namin eh!
Hindi ko pa nasubukang maging pang-umaga kahit kailan. Hindi kasi ako pinapayagan ni mama eh, mahirap daw akong gisingin, pero ang totoo niyan, ayaw lang ako ienroll ni mama sa pang-umaga kasi ayaw niyang gumising ng maaga para mag-asikaso sa pagpasok ko. Tss. Dati pabor ako dun, kasi nakakatamad naman talaga pag umaga! Pero iba na kasi ngayon, nakahanap na ko ng inspirasyon.
Gaya ng inaasahan, panghapon na naman ako pagtungtong ko ng grade 5.
Pinilit ko si mama bago niya ko ienroll na mag pang-umaga ako. Pero lagi niyang dinadahilan...
"Di mo kayang gumising ng maaga, nung panghapon ka nga tamad na tamad ka pang pumasok eh."
O di kaya...
"Malayo yung sakayan papuntang school, walang maghahatid sayo, delikado. Madilim pa pag madaling-araw."
Nadiscover ko yung facebook nung grade 5 ako. Nagpagawa ako ng account nun kay kuya. Pag iniimbita ako ng mga kaibigan ko na pumuntang comshop, nangungupit ako kay mama ng pang 1 hour. Nung una natutuwa lang akong magfacebook kasi nakakachat ko yung kaibigan kong nasa Korea pero sa di sinasadyang pagkakataon, may narinig akong dalawang estudyante na nag-uusap...
"Vane Carlos lang yung pangalan niya sa fb."
Yun lang yung naintindihan ko tapos naexcite na kong umuwi at magpunta sa comshop kasi gusto ko na siyang i-add friend. Tuwang-tuwa ako nung nag-confirm siya! Tuwing nasa comshop ako tinitingnan-tingnan ko lang yung mga picture niya sa fb.
Nalaman kong may girlfriend siyang grade 6. Sikat yung babae kasi matalino pero di kagandahan, pero maputi haha.
Yung babaeng yun yung leader ko sa girls scout kaya tinatamad akong magpraktis ng cheering. May pagkakataon na napunta si Vane sa group namin tapos aasar-asarin niya lang yung girlfriend niya. Leche, sakit sa mata.
Grade 6 na ko at panghapon pa rin ako, syempre pang-umaga yung section 1.
Balita ko break na sila ng gf niya. Di kasi sila bagay, haha.
"Yeo, pakibigay nga to kay Ma'am Teodora sa room niya sa taas." Utos sa'kin ng adviser ko.
8:00 pa lang ng umaga pero nasa school na ko kasi pinatulong ako ng adviser kong maglinis ng grade 6 building.
Inabot ko agad yung mga test papers at naglakad papuntang taas. Habang naglalakad sa hagdan, may bigla akong naalala... Si Ma'am Teodora? Siya yung adviser ng section 1... At nasa section 1 si Vane.
Dug. Dug. Dug.
Badtrip nandito na naman yung tumatakbong kabayo sa puso ko.
Pagkarating ko sa tapat ng room nila, kumatok muna ako bago nagsalita.
"Excuse me po Ma'am, pinapabigay po ni Ma'am Reyes." Sabi ko sabay bigay sa test papers.
"Thank you."
Bago ako lumabas, tiningnan ko muna yung loob ng room nila. Tahimik silang lahat na nagsasagot mg test. Nahanap siya ng mata ko, sa bandang kaliwa at nakaupo sa pangatlong row ng upuan. Ang seryoso ng mukha niya at ang gwapo niya.
May ilang estudyante na napatingin sa gawi ko, kasama siya. God! Tumingin siya! Sandali lang yun pero tumingin parin siya! Sobrang fulfilling sa pakiramdam!
Sinabihan ko siya ng goodluck sa isip ko at lumabas na.
Bumaba ako ng hagdan ng may ngiti sa labi. Buo na araw ko. Mape-perfect ko ata yung test mamaya! Hahaha.
YOU ARE READING
Her Side Of The Story
CasualeKahit ikaw pa yung pinakamasamang tao sa mundo, ikaw pa rin yung pinakagusto ko.