Year 2010
Yeo, Allen B.
Binasa ko ulit sa listahan ng Grade 4-5 yung pangalan ko para sure. First day of school ngayon, halos 30 minutes na rin simula nung dumating kami dito sa school ni mama at buti na lang nakita na namin yung section ko.
"Bibi, pumila ka na sa mga magiging kaklase mo para makapasok ka na, sobrang init pa naman, jusko." Sabi sakin ni mama.
Nasa court kami ng school na pinapasukan ko at hindi yun covered court kaya damang-dama namin yung init at dagdag pa na tanghaling tapat ngayon.
Bunso ako kaya tawag niya sakin bibi--baby talaga yun pero sa medyo bisaya siya kaya iba yung accent, haha.
"Pupils! Pag nahanap na ang pangalan, pumila na agad sa mga kaklase nyo para mabilis tayo matapos at makapasok na kayo agad!" Sigaw nung isang teacher, tingin ko grade 6 teacher sya.
"Vane, anak! Dalian mo, papasok na yung mga kaklase mo." Narinig kong sigaw nung isang nanay. Napatingin ako sa direksyon nung kausap niya.
Dug. Dug. Dug.
Parang nagslow-motion yung paligid tapos nawala lahat nung tao sa paligid, yung nakikita ko lang yung batang lalaki na naglalakad papunta sa pila ng 4-1.
"Grade 4-1, umayos na kayo ng pila at papasok na. Mauuna ang boys." Sabi nung teacher na nag-aayos sa pila ng 4-1.
"Anubayan, napakatagal naman ng pag-aayos na to. Papasok yung mga bata ng amoy pawis na." Napalingon ako kay mama na nagrereklamo. Inabutan nya ko ng bimpo, "Anak oh, magpunas ka tagaktak na ang pawis mo." Pinunasan ko yung pawis ko tulad ng sabi ni mama.
Tumingin uli ako sa direksyon nung batang lalaki, papasok na sila sa room, lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
Mukha siyang mayaman, yung tipong di papayagan na sa isang public school lang tulad ng school namin siya pag-aralin. Yung kutis niya ang puti tapos ang kinis, parang di hinahayaan na madapuan ng lamok. Yung mata niya singkit, parang may lahi at ang tangkad niya. Ang gwapo niya sa paningin ko.
"Hay sa wakas, ayan na anak papasok na kayo sa classroom." Natauhan ako bigla nang magsalita si mama.
Meron akong naging kaklase na kaklase ko noong nakaraang school year kaya may nakakausap naman ako.
Pagkauwian, kasama ko yung kaklase kong si Jona. Sinusundan ko lang sya sa paglalakad, tinitingnan niya yung listahan nung mga pangalan sa bawat room na madadaanan namin hangang sa makarating kami sa room ng 4-1.
Binasa niya yung mga pangalan tapos nabigla ako nang hatakin niya ko palapit sa kanya.
"Len, ito yung bago kong crush oh!" Sabay turo sa isang pangalan. "Reno, Kyle Nigel A." basa niya. "Ahh, surname niya pala yung Reno! Kala ko yun yung name niya haha!" Tumingin ulit siya sakin. "Gwapo niya kamo Len, pramis! Matangkad tapos maputi." Tawa lang ang naisagot ko.
Bigla akong may naisip, hinanap ko agad. "Vane." Bulong ko. Shoot! Carlos, Markus Vane M.
"Tropa ni Reno yang si Vane eh." Napatingin ako bigla kay Jona. Narinig niya? Baka kung ano isipin niya. Kinabahan agad ako, buti na lang may biglang tumawag sa kanya.
"Jona! Nandito na service natin, bilisan mo." Sabi nung batang lalaki kay Jona.
"Una na ko Len, babye!" Tumango lang ako.
Paglabas ko ng gate nakita ko na si tatay at nakauwi agad ako.
"Markus Vane Carlos." Bulong ko sa sarili.
Napangiti ako.
YOU ARE READING
Her Side Of The Story
De TodoKahit ikaw pa yung pinakamasamang tao sa mundo, ikaw pa rin yung pinakagusto ko.