#4

5 1 0
                                    

High school life, sabi nila yun daw yung pinakamasaya at pinaka hindi malilimutang parte ng pagiging estudyante.

Dito mo makikilala ang mga taong makakasama mo sa pagharap sa bawat hamon ng buhay. May mga makikilala kang taong masasandalan mo hanggang dulo, may mga tao ka ding makikilala na makakasama mo lang ng pansamantala. Pero sa dalawang uri ng taong makikilala mo, pareho kang may mapupulot na aral na magmumulat sa'yo sa realidad ng mundo.

Lalim.

Anw, high school na nga pala ako. Mas mahigpit na ang patakaran. Hindi na pwedeng mamili ng section na gusto mong mapabilangan. Wala ng shift-shift. Ang ibig sabihin lang nun, may chance na kong maging section 1! Kasi di na magkakaron pa ng idadahilan si mama dahil lahat pareho lang ng schedule.

First day of school ngayon. Maraming estudyante yung excited pumasok kasi may bago silang sapatos, bag at iba pang gamit sa school, yung iba naman excited kasi may baon na naman sila. Ako? Excited ako kasi sa wakas nagbunga rin yung tatlong taon kong pagsusunog ng kilay. Magiging kaklase ko na siya. Wala na sigurong mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon.

"Ma, ako na lang maghahanap ng pangalan ko, kaya ko na." Sabi ko kay mama.

"O'sige, uuwi na ko ah?"

Tumango lang ako.

Pumunta agad ako sa building ng grade 7. Nakasalubong ko yung classmate ko nung grade 5 na si Mian.

"Yeo! Nakita ko yung pangalan mo sa section 1, naks!" Nagliwanag agad yung mukha ko, sure naman akong section 1 ako ngayong taon kasi nasabi na nung nagpa-enroll ako, pero iba parin pala yung pakiramdam pag may confirmation na.

"Sure? Eh ikaw, ano section mo?" Tanong ko.

"Section 2, di umabot yung average ko." Sagot ni Mian.

"Ahh sayang. Sige una na ko-- san pala yung room ng section 1?"

"Sa second floor, sa gitnang room."

Nagpasalamat ako at dumiretso sa second floor. Nakipagsiksikan pa ko sa mga estudyante at magulang na nagkalat sa second floor.

Gitnang room.

Yeo, Allen B.

Nandito nga yung pangalan ko! Tiningnan ko yung sa boys.

Carlos, Markus Vane M.

Pati yung pangalan niya nandito rin!

Dati pangarap ko lang na makita na nasa iisang papel lang yung pangalan namin sa attendance, pero ngayon eto na bes!

Pagpasok ko sa room marami ng tao, karamihan sa nandito ay yung mga section 1 parin nung elementary. May nakita akong upuan sa pinakalikod at doon ako umupo.

Pagkatapos kong ayusin yung gamit ko ay may hinanap agad yung mata ko. Nakita ko siya na nakaupo sa desk ng upuan at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

Ilang sandali lang ay may pumasok ng teacher at nagsimula na tong magsalita ng kung anu-ano na di ko na naintindihan kasi iniisip ko parin kung totoo bang nangyayari to.

Yung pakiramdam na nasa iisang room lang kayo at nakikita ko na rin sa wakas yung mga kilos niya sa school. Ito ba yung feeling ng success?

Lord, sobrang saya ko po. Pwede niyo na po akong kunin. Jk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Side Of The StoryWhere stories live. Discover now