Chapter 2: Game

131 6 0
                                    

Lauren's POV

"Okay. Basta wag mo kalimutan mga tinuro ko kahapon ah?" Last na paalala ko muli sa kausap ko bago ko tinapos yung call.

Pagkapasok ko sa bahay agad kong binato yung bag ko sa kabilang couch.

Tingnan ko yung wall clock. 9pm na pala.

Sumandal ako sa sofa at pinatong mga paa ko sa coffee table.

Di naman masamang magpahinga kahit konti lang. Shit. I'm so tired.

Napabuntong hininga ako.

Di ko naimagine na ganito pala kahectic yung start ng school year. Mas madami nang pinapagawa ngayon kaysa dati. Ang daming due next week, ang daming due bukas, ang daming due next month.

Mga teachers akala mo end of the world kung makapagbigay ng assignments at projects. Ikakamatay ba nila pag di sila nagbigay? Like duh🙄 di ko maintindihan.

Nakakalungkot din isipin na mukhang mahihirapan din ako sa importante kong gagawin ngayon.

Idagdag ko pa na wala si Mama at Papa ngayong gabi due to business reasons kaya kailangan ko pang hintayin makauwi si Kuya. Late nanaman siya dahil madaming ginagawa sa group.





Kuya ko? We're opposites.

Di katulad ko, mabait si Kuya. Pero hindi siya yung tipong hinahaayan lang na abusuhin ng iba. Di din katulad ko, marunong magcontrol ng temper si Kuya. He knows how to handle things.

Mapagbigay siya and he's a good role model. Mahigit sa lahat, mapagmahal siyang tao. Kahit ano ginagawa niya para sa mga mahal niya. Napakasweet din niya sa pamilya niya.

Ganyan siya noon.

Iba na siya ngayon.

Nakakamiss. Pero di na maibabalik yung dati.

Dahil pag sagad na, wala na.



Nakapikit at patulog na ako ng biglang,

"Hi, SISSY!"

Napaupo ako ng wala sa oras.

Oh, si sis lang pala. Ano ginagawa niya dito?

"Hi, SIS!" Masaya kong bati.

"What are you doing here? Bakit ka pumunta dito? Late na ah?" Sunod sunod na tanong ko at sinenyas siyang umupo.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng may pagkahigpit. "I came here to check on you sissy. I wanna know how you're doing. Namiss din kasi kita. You know I always miss you." malambing na sabi niya habang nilalaro laro yung mga pisngi ko.

Hmm.

"What about your mom?" Pahabol na tanong niya sakin.

"Tulog na sa taas. Why sis may kailangan ka ba?"

"Wala naman sissy. I really came here to see you."

Napangiti ako. Conversations like these with my sis really makes my day a whole lot better.

I smiled sweetly at her. "You're so caring naman sissy. That's why I love you." I told her happily.

Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon