Chapter 1: Start

191 7 6
                                    

Ctto. For the video

Chloe's POV.

Chains and sprinkles.

Yan ang tingin ko sa buhay ko

Dahil kahit gano ako sinasakal ng tali sa leeg dulot ng hirap sa buhay, ito parin ang nagiging sandata at lakas ko.

Hi, my name's Chloe Liz Perez. Estudyante sa umaga, at waitress naman sa gabi. Medyo naghihirap kami sa pera dahil nanakawan si daddy noon. Ginagamit ko yung pera na nakukuha ko sa pagtatrabaho para sa pag aaral ko. Pampabawas problema na din sa mga magulang ko. Only child lang ako. Pero, wala akong matandaan sa pagkabata ko dahil sa aksidenteng ayaw nilang sabihin sakin.

~

"Sir naman po. Di ko po talaga sinasadya." Pagmamakaawa ko sa boss ko for the nth time.

Dahil sa pagsagot ko ng hindi maganda sa isang costumer may posibilidad na matanggal ako sa trabaho.

"Miss Perez, you do know very well the rules and regulations in this place." Seryoso niyang sabi habang nanlilisik ang mata. Para siyang mangangagat ng wala sa oras.

Napakamot ako sa ulo. Di ko naman kasi sinasadya! Masyadong bastos yung babaeng yun.

"Sir alam ko po yung rules and regulations.. pero po kasi.."

Tinanggal niya yung kamay ko na nakahawak sa pantalon niya kaya nadapa ako.

"Puro ka nalang pero! Alam mo naman kung gano kahalaga ang customers natin diba?!"

"Opo! Pero siya naman po may kasalanan eh!" Depensa ko sa sarili ko.

Galit na galit na si boss. Ay wait ano ba bago? Aish! Ako naman parati mali sa paningin niya! Wala na akong nagawang tama! Bat ba ang laki ng galit niya sakin?!

"Dahil sayo baka di na siya bumalik dito! Siya pa naman no. 1 costumer natin! Ilang beses na toh Miss Perez. Paulit ulit nalang! Wala ka nang naidulot na maganda sa bar na toh!"

Lumuhod uli ako. Kailangan ko tong trabaho na toh para sa pag aaral ko. Eto nalang makakapitan ko eh. Lulunukin ko pride ko kahit ngayon lang.

"Sir sige naman po pls oh. Di na mauulit promise." Pumikit nalang ako at umasa na sana di niya ituloy ang pagtanggal sakin sa trabaho.

Magsasalita na sana muli siya ngunit may humila sa likod ko para patayuin ako.

"Lauren!" Masaya kong sabi at niyakap ang bestfriend ko.

Nagulat yung mga costumers at employees nang makita nila kung sino ang nasa bar ngayon.

Lauren Candice Lee. Owner ng bar. Siya ang dahilan kung bakit ako may trabaho ngayon.

Hinila ako ni Lauren sa likod niya at namewang naman sa boss ko.

Si Lauren ay isang mataray, masungit at malditang babae kaya madaming natatakot sakanya. Considering the fact na anak din siya ng mga Lee.

"Is that how you speak to MY employees Mr. Park?" Sarcastic na tanong nito sa boss ko.

Bumalik sa huwisyo ang boss ko at napayuko sa presensya ni Lauren.

"Hindi mo magugustuhan pag sayo ko naman yan ginawa Mr. Park. Tandaan mo boss ka lang, pero di ka owner ng bar. Wala kang karapatan magtanggal ng employess kung kelan mo lang gusto. Naiintindihan mo ba?!"

"Hindi po ma' am Lauren! Kasalanan po talaga ni Miss Perez--"

"Wag kang magsasalita pag di pa ako tapos. Wag kang bastos."

Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon