Hey There Delilah

397 10 4
                                    

Ako po ay nagbabalik. =)) Click nyo yung video sa side para with feelings. Please Comment your thoughts. Tsaka Vote. I'll be back soon. :b

Dedicated to: JasminFayeRevestir kasi sya yung unang nag comment sa one-shot ko na "#26" Thank you pala! >:D<

-

“I miss you!” sigaw ko sa picture nya. Asa naman akong sasagot sya ng “I miss you too.”.

Nandito ako sa London. Dito ako nag-aaral ng college. Pinay ako. Lumipat lang ako dito hanggang makatapos ako ng college.

FLASHBACK

“Bryan, sa London na ako mag-aaral.” Nagkita kami ni Bryan sa McDo right after our Graduation.

“HAH?! Nagbibiro ka diba? Diba, Reen?” Kitang kita sa mukha nya ang galit at lungkot.

Umiiyak na ako. Parang iiyak na rin sya anytime. “Gusto ko mang sabihing oo, pero hindi. Gusto ‘to ni Dad, Bryan. Wala akong magawa.”

“Pero paano na ang mga plano natin? Diba sabay tayong mag co-college? Sa Gonzales University? Tapos pag tapos na tayong mag-aral, tutulungan kita sa Clothing Line mo? Tas tutulungan mo ako sa restaurant ko?” At ayun nga. Umiyak na sya ng tuluyan.

“Sorry, Bryan. Kung ngayon ko lang sinabi ‘to. Matutupad parin yung mga plano natin. Dun lang ako magtatapos. Babalik rin ako agad dito. Kaya natin ‘to. 5 years na tayo. Nakayanan natin ang lahat. Eto pa kaya? All you have to do is TRUST ME and I will also TRUST YOU. Okay?” Panigurado ko sakanya.

“Okay lang. Forgiven. Wag kang hahanap ng lalaki dun ah? Bibili ako ng plane ticket papuntang London para lang bugbugin yung siraulong yun. Wag mo akong susubukan, Reen” Natawa nalang kami pareho. Yan ang gusto ko kay Bryan eh. Kahit gaano pa kasakit ang nararanasan nya/ko/namin, nagpapatawa parin sya. Kaya mahal ko ‘to eh!

Since medyo okay na kami, nakipagbiruan na rin ako sakanya. “At kung may balita na lumalandi ka sa iba, uuwi rin ako dito agad para sabunutan yung babaeng yun. Wag mo akong susubukan, Bryan.” Tumawa nanaman kami.

Pero biglang naging seryoso yung mukha nya.Naalala nanaman siguro nya yung college thing. Hayyy. Nakakalungkot talaga. Ang hirap iwanan ‘tong lalaking ‘to oh. Baka di ako maka-alis nyan.

“Basta tatawagan kita everyday ha? We’ll figure this out. Hahatid kita sa airport. Tawagan mo ako pag dating mo dun. Skype tayo pag may time. Basta let’s just trust each other ha? I love you.”

“Oo. Promise yan. I love you too.”

END OF FLASHBACK

1 week na kaming di nag-uusap. Palaging busy sa school. College na rin sya ngayon sa Pinas. Boyfriend ko si Bryan. 5 years na nga kami diba? Miss ko na sya. Bukas na yung Graduation namin. Sana tawagan nya na ako.

One-Shot Stories. (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon