Goodbye, Best Friend.

375 9 5
                                    

Nandito ako sa puntod ng bestfriend ko.

Ang bestfriend ko na first love ko.

Tama nga, lalaki ang best friend ko. Hinahawakan ko yung pangalan nya sa puntod nya habang pinipigil ang luha.

MIKO DREY PATILYA

JANUARY 9, 1994-JANUARY 9-2006

WE WILL MISS YOU

“Miko, kamusta ka na? Pasensya na kung ngayon lang ako nakapunta dito ha? Baka di ko kayanin Makita ka eh. Pero strong girl ako kaya kakayanin ko.” Napaiyak na talaga ako nun.

“Miss na miss na kita, Miko. Miss na miss. Lagi kong pinupuntahan yung tree house natin sa park. Naaalala mo ba?”

FLASHBACK

JANUARY 4, 2006

Kasama ko si Miko sa park. Naka blind fold ako habang inaalalayan nya ako. May surprise daw kasi sya sakin.

“Asan na ba tayo, Mik-Mik?” tanong ko sakanya. Mik-Mik yung tawag ko sakanya.

“Malapit na tayo Vin-Vin.” Sagot nya. Vin-Vin naman yung tawag nya sakin since Vinny ang pangalan ko.

Tumigil na kami sa paglalakad. “Nandito na tayo! Ako ang magtatanggal ng blindfold mo.” Edi okay. “1,2,3…TADAAA!” tinanggal nya na yung blindfold nun. Sa harap ko ay isang tree house na green.

“Ang ganda! Akyat na tayo dali! Dali na Mik!” sigaw ko sakanya. Atat naman ako masyado. Umakyat na nga kami nun tas pinakita nya sakin yung buong tree house. May maliit na banig na kasya lang saming dalawa. Tas may picnic basket sa gitna tsaka unan. Ang ganda talaga. *u*

“ Nagandahan ka ba?” tanong nya sakin sabay akbay. Sanay na kami sa ganito. Best friend ko nga diba?

“Oo. Sobra! Para sating dalawa ‘to diba?”

“Oo naman. Kain na tayooooo.”

Umupo na kami sa banig tas kumain habang nakaupo ako tas nakahiga sya sa lap ko.

“Vinny.” Seryoso nyang tanong sakin. “Bakit Miko?”

“Pag mamamatay ako, anong gagawin mo?”

“Ano ba naming tanong yan. Di ka mamamatay nuh. 14 palang tayo.”

“Sagutin mo nalang, please?”

Haaaaaay. Naka pout sya ngayon habang naka please sign. Bakit kasi ‘to?

“Syempre, iiyak ng todo. Ano pa ba?”

“Ah. Okay!” sagot nya sakin tas nag smile ng napakalaki.

One-Shot Stories. (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon