A cliché story :)
---
Nandito ako sa field. Nakatingin sakanya habang naghaharutan sila ni Zera.Yung crush nya. Hay.
“Wendy! Okay ka lang ba?” tanong sakin ng best friend ko na si Denny.
Imbis ako ang sumagot, yung isa kong kabarkada na si Rem ang sumagot. “Hay nako, tinitingnan, ay tinititigan nanaman nya si Jerry.”
“Hindi ka pa ba napapagod sa One Sided Love na yan?”
PAGOD NA PAGOD NA.
“Hindi naman ganun kadali yun eh.” Sagot ko sa tanong ni Denny.
“Eh hanggang titig ka nalang sakanya eh. Oo nga, kilala ka nya pero hanggang ‘hi’ ‘hello’ lang kayo.”
“WAG MO NGANG IPAMUKHA! AKALA NYO BA DI AKO NASASAKTAN?” napasigaw na ako sa sakit. Ilang beses na rin akong naiyak dahil sakanya. Babaw noh? Ganun talaga siguro kung mahal mo yun tao.
Natahimik nalang silang dalawa. Ako naman si tanga, nakatitig parin sakanya.
Nakatitig parin ako kahit ang sakit sakit na.
Hanggang titig nalang ba talaga ako? Hanggang ‘hi’ ‘hello’ lang ba talaga kami? Hanggang BARKADA lang ba talaga? Oo, cliché na kung cliché pero hanggang dun lang ba talaga?
PROM
Nakabihis ako ng blue sparkling gown with heels. Pinagawa ko ang make-up at hair ko sa isang sikat na artist. Prom naman eh. LAST PROM. At may importante akong gagawin na pwedeng magbago ng lahat.
“Oh, ready ka na ba?” tanong sakin ni Denny.
“READY NA.”
“Mamaya, pagkatapos ng prom. Sa may garden. Dun nalang kayo pumunta. Ready na ang lahat. Kung gusto mo ng moral support, nasa may halaman lang kami. Okay girl?” sabi ni Rem.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories. (Collection)
FanfictionMy collection of One-Shot stories. May romance, humor, drama, bestfriends, etc. :) All stories are fictional. Depende nalang kung may ia-add ako na real life story. (c) mrsfangirl