'Hihintayin kita'
Gusto kita pero di ako susugal
Di ako tataya, dito lang ako
Mag-aantay, mag-aabang.Sa bawat pag bagsak, sa bawat oras na kailangan mong yakap.
Sa bawat pangungulila ng iyong palad.
Andito lang ako,nakatayo.Mag-hihintay, di ako aasa
Dahil wala namn dapat asahan pa.
Masaya na ako dito na pagmasdan ka.
Gusto ko maging saksi sa katuparan ng pangarap mo.
Habang ako,
Mananatiling nakatayo at pinag mamasdan ang pangarap ko.Kaya sige na, humakbang ka kilalanin mo ang buhay, damhin mo ang saya at sanayin mo ang sarili sa pait at sakit na dulot nya.
Pero wag kang mag alala dahil di ka nag iisa.
At kapag dumating ang punto na pagod kana kapag sobrang sakit na at hindi mo na kaya lumingon ka lang sa likod mo sinta, at yayakapin kita.
BINABASA MO ANG
POEMS ❤
PoetryRead this, Im sure makaka-relate kayo sa aking poem's. Ito ay sariling sikap kong ginawa.. So, you better read this😉 - Prettynesslablab