Torpe

10 2 0
                                    

"Torpe"

Ikaw ang babaeng aking pinapangarap
Ngunit malabong mangyari ito sa hinaharap
Gusto kong ipagsigawan na gusto kita
Ngunit ako'y hamak na torpe kaya 'di ko magawa

No'ng una pa lang kitang makita
Tibok ng dibdib ay nag-iba
Sa bawat araw na kasama ka
Kakaibang saya ang aking nadarama

Oo, totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo
At alam kong di ito biro
Noon ma'y marami akong naloko
Pero sa 'yo di ko magagawa ito

Di ko alam kung anong meron ka—na wala sa iba
Di ko rin alam kung ba't mahal kita
hindi lang pagnanasa ang aking nadarama
Basta't ang alam ko, ikaw na nga

Malabo ka man mapa—sa akin
Patuloy kitang mamahalin
Umaasa na balang araw ako'y papansin
Na sana, ako'y mahalin din.

POEMS ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon