Habang-Buhay

11 1 0
                                    

Akala ko ba habang-buhay?

Na sabay nating isusulat sa mga talata ng buhay ng k'wento ng pag-iibigan nating dalawa hanggang sa hukay. Akala ko ba sabay tayong tatanda? Sabay puputi ang buhok, sabay mangangatog ang mga tuhod, sabay mangungulubot ang balat sabay ring makakalimot. 'Dba pag sasabayin din natin ang huling pag hinga at pag tibok?

Akala ko ba tayong dalawa?
Natatandaan mo pa ba?
"Ikaw at ako lang hanggang sa dulo"

Ang akala ko ba hindi mo ako sasaktan o paluluhain man? Kung ganoon san nangagaling ang luhang sumusulat din..... Gaya ko, sa tulang iniwan mo kasabay ng iyong paglisan.

Hindi ba nangako ka?

Akala mo ba hindi ako nasasaktan? Ang akala mo ba ikaw lang? Kung distansya ang sisira sa'tin. Ay tatawirin ko ang mga bundok at dagat na ipinangakong tatawirin ng lahat ng manunulat. Kung oras ang wawasak sa'tin, ay uubusin ko sa bawat patak sa bawat segundong napapaloob sa bilis ng oras sa pangungulila at pangungulit ko sa'yo. Kung edad man,kayamanan o mga magulang ay gagawan ko lahat ng paraan dahil mahal, mahal na mahal kita.

Pero anong k'wenta ng pilit kong paglaban para sa pinangako mong "dulo" kung umpisa pa lang ay nagawa mo nang sumuko.

Napakarami mo ng pangako.
Akala mo nakalimutan ko na, ano?

Hindi.

Lahat ng matatamis at masasakit na salitang binitawan mo ay inukit ko sa puso kong punong puno ng maling akala. Ikaw ang pagdaan ng inakala kong pag-ibig, ang pag bitaw ng inakala kong pagkapit, pag alis na inakala kong paglapit.

Ikaw, ay isang maling akala.

Mali.

Ikaw ang paborito kong maling akala.
Ang pagkakamaling hinding hindi ko pagsisisihan.

At ngayong wala kana, tsaka lang ako natauhan. Ang akala ko mahal kita. Nagkamali ako, dahil kulang ang salitang "mahal" para sa mga akalang iginuhit mo sa puso ko.

Kaya salamat.

Sa pag pako ng mga pangako mo.

Akala ko pag ibig ang awitin na sinasabi mong kantahin nating hanggang sa dulo— Mali ako. Dahil sakit, pait, pagluha, pangungulila at pagtangis pala yung sinasabi mo na
"Habang-buhay".

POEMS ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon