"Alaala"
Minahal kita, ngayon ay parte ka na lamang ng aking alaala.
Salamat sayo, dahil natuto na ako.
Salamat sayo, at sa pananakit mo.
Salamat sa paulit-ulit mong panloloko.Masaya naman tayo sa umpisa,
Hanggang sa dumating ang gitna tila ika'y nag-sasawa na.
Dumating ang dulo, sabi mo'y wawakasan na.
Anong mali sa relasyon na mayroon tayo, tayo nga ba?Bigla mo na lang akong iniwan.
Kaya ika'y pilit kong kinalimutan
Pero bakit ngayon ika'y tila bumabalik.
Hindi! Ayoko na! Ayoko nang maulit pa ang sakit.Masaya na ako ngayon, limot na kita.
Huwag mo nang buhayin pa ang namatay nating alaala.
Masaya na ako, sanay masaya ka na din.
Huwag mo na akong guluhin, ako'y iyo nang limutin.
BINABASA MO ANG
POEMS ❤
PoetryRead this, Im sure makaka-relate kayo sa aking poem's. Ito ay sariling sikap kong ginawa.. So, you better read this😉 - Prettynesslablab