Chapter 1

191 5 0
                                    

ARAW ng pagtatapos ngayon sa SalcedoUniversity, isang university sa Isla Marino na tumatapat naman sa kalidad ng edukasyon sa ibang universities sa Maynila. At dahil isang espesyal na araw iyon sa mga estudyanteng nagsipagtapos ay isang magarbong graduation rites ang ginanap roon, in coordination with the students' parents who helped the school for the success of their children's graduation day.

At halata sa mga mukha ng mga estudyanteng nagsipagtapos, lalo na sa kani-kanilang mga magulang, ang saya dahil sa tagumpay na kanilang nakamit ngayong nakapagtapos na sila. Maraming iyakan rin ang naganap dahil marami na ang magkakahiwa-hiwalay pagkatapos niyon dahil sa bagong buhay na kailangan na nilang kaharapin. Kaya naman maraming picture taking ang naganap pagkatapos ng graduation rites na iyon.

Kasama sa mga ito sina Khea at Norina, parehong graduates ng kursong Fine Arts, na kasalukuyang nagpapa-picture kasama ang kanilang mga naging professors nila. And then they took pictures with their friends in the university during their school days. Malalayo na sa kanila ang mga ito kaya naman sinasamantala na nila ang pagkakataong magpakuha ng pictures kasama ang mga kaibigan nila.

And finally, their parents took pictures of them. May mga kuha sila na solo nila at karamihan ay magkasama silang dalawa ni Norina.

"Kayong dalawa talaga. Hinding-hindi napaghihiwalay," iiling-iling na wika ng kanyang ama.

Natawa na lang sila ni Norina sa sinabi nito.

"Si Daddy talaga. Ang tagal-tagal na naming magkaibigan ni Norina, eh. Ngayon ka pa magtataka kung bakit hindi kami mapaghiwalay," tatawa-tawang komento niya.

"Kaya kayo napagkakamalang magkapatid niyan, eh," dinig niyang sabi ng isang tinig na pamilyar sa kanya.

Na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso kahit hindi pa man niya nakikita kung sino ang nagsalita. Kasabay niyon ay ang biglang panlalamig ng kanyang kamay habang patuloy sa pagpupumiglas ang kaba sa kanyang dibdib ngayong alam na niyang naroon lang ito sa kanyang likuran.

"Alam mo, Phrinze, huwag ka nang magtaka kung bakit ganito kami ni Khea. Okay?" narinig niyang sabi ni Norina. Marahil ay napansin nito ang pagbabago ng atmospera sa paligid niya.

Bigla ay naramdaman niya ang pag-akbay ni Phrinze sa kanilang dalawa ni Norina.

"Tito, kuhanan mo naman kaming tatlo ng picture, o. Para may remembrance," nakangiting pakiusap nito sa kanyang ama na siyang may hawak ng digital camera.

Nangingiti na lamang na pumayag ito sa pakiusap ng binata at kinuhanan sila ng litrato. Nakapuwesto sa gitna si Norina habang siya ay nasa kaliwa lang nito at si Phrinze naman sa kanan. The three of them showed off their sweet genuine smile altogether when her father began counting down.

Nang matapos ay agad niyang hinarap ang binata.

"Bakit? Aalis ka na ba rito at nagpapakuha ka pa ng picture kasama kami?" agad na tanong niya rito.

"Hindi. Trip ko lang magpakuha ng picture kasama ang dalawang babaeng importante sa akin kahit na makukulit sila." At saka siya nginitian nito.

Tumaas ang isang kilay niya at saka iningusan ito. "Sus! Palusot ka pa. If I know, gusto mo lang makatsansing kay Norina at ang picture taking pa ang ginamit mong excuse. Idinamay mo pa ako sa mga kalokohan mo. Kung gusto mo kasing manligaw sa kan—" Hindi na niya naituloy ang dapat na sabihin dahil agad na tinakpan ni Phrinze ang bibig niya.

It's a good thing na malayo sa kanila si Norina at pabulong lang niyang sinabi ang mga iyon sa binata.

"Ano ba? Mabibisto ako niyan sa ginagawa mo, eh. Secret lang natin iyon. Okay?" pabulong na sabi nito habang tinatakpan pa rin ang bibig niya.

✔ | Sana Ako Naman Ang Mahalin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon