Chapter 7

63 4 0
                                    

KHEA LAUGHED weakly after she heard those words from Phrinze. At pinipilit na ina-absorb ng kanyang utak ang mga sinabi nito.

"H-hindi kita maintindihan, Phrinze. Ganoon ba ako kaimportante sa iyo at hinahayaan mo pang problemahin ang sarili mo dahil sa akin?"

"Kailangan ko pa bang sabihin iyon sa iyo, ha?"

Napatingin na lang siyang muli rito.

Oo, Phrinze. Kailangan kong malaman iyon para alam ko kung sapat ba ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa iyo upang magawa ko ang huling hiling ni Norina. Gusto kong alamin kung gaano nga ba ako kaimportante sa buhay mo. Subalit hindi niya nagawang isatinig iyon kaya naman nanatili lang siyang nakatingin sa mukha nitong ilang taon nang binubulabog ang puso niya.

"O, hindi ka na nakasagot diyan?" puna nito. At saka ito marahas na bumuntong-hininga sabay tingin sa dagat. "Alam mo ba, Khea? Kung minsan, hindi ko na maiwasang magtampo sa inyo ni Norina. Hindi ko alam kung may galit ba kayo sa akin sa klase ng trato ninyo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi ko masabi kung may inis ba sa akin si Norina dahil iniiwasan niya ako nitong mga nakaraang araw magmula nang magbalik siya. Madalas na sina Tito Clyde at Tita Marissa lang ang naaabutan ko sa mansion nila at sinasabi sa akin na may importanteng pinuntahan daw si Norina. At ikaw naman, napapansin ko na lagi kang malungkot at wala sa sarili mo. Kaya pati ako, nababalewala mo na. Hindi ka naman dating ganyan, Khea. Noon, kapag may problema ka—kahit gaano pa kahirap at kabigat—sinasabi mo sa akin. Kapag may galit ka sa mundo, sinasabi mo rin sa akin. Pero bakit ngayon—"

"Kahit na gustung-gusto ko nang sabihin sa iyo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon, hindi ganoon kadali para sa akin na basta na lang ikuwento sa iyo ang lahat," aniya.

Nang maalala niya si Norina matapos niyang sabihin iyon kay Phrinze ay namalayan na lang niya na tumulo na pala ang luha niya. At sa pagkagulat niya ay naramdaman niya ang masuyong pagpahid ng binata sa mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi.

"Phrinze..."

"I'm sorry, Khea," hinging-paumanhin nito at saka siya niyakap. "Ang sama ko talaga. Lagi na lang kitang pinapaiyak. Pasensya ka na. Frustrated lang siguro ako kaya nasabi ko na nagtatampo ako sa inyo ni Norina."

Natahimik na lang siya. At ipinikit niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang sayang dulot ng yakap ni binata sa kanya. Subalit kasabay ng pagnamnam niya sa yakap nito ay sumisingit ang mga tanong sa kanyang utak.

Bakit may pakiramdam siya na nababago na ang nararamdaman ni Phrinze para kay Norina? Dahil ba sa frustration nito sa pag-iwas ng best friend niya rito?

How come he was treating her affectionately like she was a very special woman in his life? Yes, as a woman. Not just as a friend. Noon ay hindi ito ganito sa kanya.

He would hug her like this before but it was a friendly gesture on his part, she's sure of that. Pero ngayon ay may iba siyang nararamdaman sa yakap nito. Sa ngayon ay hindi niya matukoy kung ano ang pakiramdam na iyon. Maybe she would leave it like that for now.

Matagal siyang niyakap ni Phrinze. And at that moment, she's happy and quite contented. She even felt secured and... loved.

Funny. May commitment na nga ang lalaking ito kay Norina. And yet, ganito pa ang nararamdaman ko. She smiled wryly at the thought.

Napapitlag siya nang marinig niyang tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kanyang cargo shorts at natigilan siya nang makita ang pangalang nakarehistro sa screen. Dahan-dahan siyang pinakawalan ng binata at wala sa sariling napatitig siya rito.

✔ | Sana Ako Naman Ang Mahalin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon