Final Chapter

111 5 0
                                    

DUMILAT. Pumikit. Muling dumilat. Sa totoo lang ay parang inalisan na ng lakas si Khea nang magising siya nang umagang iyon. Hindi na niya gustong umalis sa kinahihigaan niya dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Pero hindi puwede. Kailangan niyang kumilos dahil alam niyang mahahalata siya ng mga magulang niya na may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Phrinze... although sigurado siyang may ganoong hinala na ang mga magulang niya.

Mahigit dalawang linggo na silang hindi nagkikita't nag-uusap ni Phrinze matapos ang ultimate confession niya rito sa cove. Ganoon katagal na rin siyang nagtitiis sa kabigatan ng kanyang pakiramdam sa tuwing gigising na lang siya sa umaga. At sa totoo lang ay hirap na hirap na talaga siya. Gustuhin man niyang kalimutan iyon ay hindi niya kayang gawin kahit na anong pilit niya. Kung bakit ba naman kasi umabot pa sa ganito ang lahat?

Napangiti siya nang mapait nang maalala ang kissing scene nila ng binata sa cove, kung paano siya dinala ng halik nito sa paraiso kahit na panandalian lang ang lahat. Sinigurado niya sa sarili niya na hinding-hindi niya magagawang kalimutan ang pangyayaring iyon habang siya'y nabubuhay pa. Pero kung anong sarap naman ang naramdaman niya nang halikan siya nito ay hindi niyon matutumbasan ang sakit na nararamdaman pa rin niya hanggang sa mga sandaling iyon.

Gustuhin man niyang kamuhian si Phrinze to the max, hindi niya kayang gawin. Iyon na yata ang isang milagrong magagawa niya para rito kahit gaano pa siya sinaktan nito. At sa isiping iyon ay tumulo na naman ang mga luha niya. Wala na yatang kasawaan ang mga mata niyang iyon sa kaiiyak at wala naman nang nangyayari pa. Sa ganoon na natapos ang lahat.

Natigil lang ang pag-e-emote niya nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kuwarto kaya naman napilitan siyang pahirin ang mga luhang naglandas sa pisngi niya at umupo sa kama. Bumukas ang pinto at bumungad doon si Aiko. Halata sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman pinilit niya ang sariling ngumiti man lang.

"O, napadalaw ka?" nakangiting aniya.

Bumuntong-hininga lang ito at naupo sa tabi niya. "Don't force yourself to smile kung hindi mo talaga kaya. Hindi naman kita pinipilit, eh."

She went back to being sad and then scoffed. "Bakit ganoon, Ai? Akala ko masakit na iyong pilitin kong itago kay Phrinze ang nararamdaman ko para sa kanya. Meron pa palang mas masakit doon. Mas masakit pa sa naramdaman ko noong mawala ang parents ko at si Norina," garalgal na saad niya bago siya yakapin nito. Sa ngayon ay kay Aiko muna siya iiyak dahil sa lahat ng ayaw niya ay makita siya ng mga magulang niya na nahihirapan at umiiyak.

"Khea, Phrinze is going to leave to the States two weeks from now. At gusto sana niyang imbitahan tayo sa party ng mga Valencia mamayang gabi," sabi nito habang patuloy ito sa paghimas sa likod niya, dahilan upang kumawala siya sa yakap nito at nagtatakang tiningnan ito.

"Phrinze sent you here?"

Umiling ito. "Not really. Nakiusap lang siya sa akin na kung puwede daw ay isama kita sa party mamaya. Kung alam ko lang kung paano ko siya tinarayan kanina dahil alam ko naman na hindi ka basta-basta papayag. Kaya lang, saksakan ng kulit, eh. So I said na susubukan ko pero huwag siyang mag-assume."

It took her a while to think about what Aiko said. Why not?

Tutal naman ay paalis na rin lang siya patungong Canada sa susunod na buwan upang asikasuhin ang textile company ng mga Castillianes doon., nais niyang makapagpaalam man lang sa binata at makausap ito nang magkalinawan na. At kung kakayanin pa niya ay hihingi na rin siya ng apology dahil sa naging forced confession niya rito. Bahala na kung ano ang mangyayari. Ang mahalaga lang sa ngayon ay magkausap man lang sila.

Even if it will be for the final time.

GAYA NG napagdesisyunan ni Khea kanina ay nagtungo siya sa private party ng mga Valencia. Kaya lang, walang tigil naman sa kapapasag ang buwisit niyang puso samantalang nasa loob pa lang siya ng kotse niya. Kanina pa siya kinakabahan na hindi niya mawari, pero dahil desidido siyang kausapin si Phrinze ay huminga muna siya ng malalim bago lumabas sa kotse niya.

✔ | Sana Ako Naman Ang Mahalin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon