Chapter 7: Mystery pt.2

31 15 0
                                    

[Author's pov]

Habang nasa pag-uusap ang mga estudyanteng sina AC,Hanna,Yohanne, at iba pa nilang mga kasamahan at ang matandang care taker ng hotel Nomed Homes,hindi nila batid na may nakamasid sa kanila mula sa lumang mansion .Nasa malapit lang siya at pinapanood ang kaganapan na nangyayari sa kanila ngayon.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may kinalaman sila sa mga nangyayari ngayon. Magmula ng makatungtong at makapasok sila sa hotel Nomed Homes ay binabalot na sila ng lagim.

"Ano po ang ibig niyong sabihin Mang Ernesto? May kinalaman po ba ang pagkamatay ni Mary Ann sa nangyayari ngayon? Bakit po nanggagaya ang mga multo ng itsura ng tao? Ano po ang dahilan? May kinalaman po ba kami sa nangyayari ngayon? ". Tanong ng dalaga na si AC.

Hindi naman alam ni AC na napapabilib niya ang matandang si Mang Ernesto Ng hindi niya namamalayan.

'Nakakatuwa ang batang ito. Siya na kaya ang makakasagot sa misteryong bumabalot sa buong lugar ng Elfran Street? Kung siya nga, sigurado akong hindi niya ito palalampasin...

Hahaha... Mamamatay rin naman kayo lahat dito kasama namin at ng babaeng iyon'

Ang iniisip ng matandang si Mang Ernesto.

Nakakahalata na si AC sa mga nangyayari at maraming tanong ang bumabalot sa kanya.

"Nakakaaliw ka naman iha. Sa dinami-rami ng mga estudyanteng napadpad rin dito sa hotel na ito eh. Ni isa sa kanila ay Hindi nagawang magtanong ng ganyan sa akin. " . Ani ni Mang Ernesto na nakatingin kay AC habang nakangiting nakakaloko. Na animoy nang-aasar ito at may Ibig sabihin ang kanyang ipinupukol na atensyon sa dalaga.

Naging seryoso naman ang itsura ni AC at muling nagtanong.

"Ano po ang ibig niyong sabihin? May mga katulad rin po namin ang napadpad dito? Pero kailan? ". Nalilitong tanong ng dalaga.

"Sabihin niyo Mang Ernesto. Sino ba talaga kayo? Sino-sinong mga estudyante ang tinutukoy mo? " .dagdag na katanungan ni AC.

"Hindi ko yun sasabihin sa inyo. Ngunit kung nais niyo talagang malaman ay kayo mismo ang tutuklas nito. "

'Tignan natin kung makakaalis pa kayo ng buhay pagkatapos niyong malaman ang katotohanan. Hindi niya kayo paaalisin ng buhay dito. Dito na kayo mamamatay katulad sa nangyari sa mga teacher niyo. Hahaha'

Ang tumatakbo sa isipan ng matanda.

" I wanna go home now...Let's leave this place President Francisco. Right now! Please! " .nagmamakaawang suhestiyon ni Samantha na pinangsa-ayunan ng lahat. Ngunit nagsalita ang matandang si Mang Ernesto bilang pagtutol.

"Hahaha..sa tingin niyo ganun-ganon lang kadali ang pag-alis niyo dito? Hahaha....................................

....................Wala kayong kaalam-alam mga bata! Wala kayong alam! " .

Sambit ng matanda na ikinakunot ng mga noo ng mga estudyante at ikinakuyom ng kamao ni AC. Galit at pagkalito ang ang nararamdaman ng mga estudyante lalong lalo na si AC.

Bakit tila ayaw silang paalisin ng matandang kartero? Ano ang bumabalot sa hotel at maging sa kanya?

---
Changing of character's pov

[Hanna's pov]

"Hahaha..sa tingin niyo ganun-ganon lang kadali ang pag-alis niyo dito? Hahaha............................

.................Wala kayong kaalam-alam mga bata. Wala kayong alam! "

Anong ibig sabihin ng matandang ito? He's giving me a chill down to my spine And I hate it! Damn this old fart. Sa tingin ko may kinalaman ang matandang ito sa pagkamatay ni Mary Ann.. I think he's hiding something and I Want to know what is that. I can sense it. I must tell this to AC. He's a threat to us.. It seems he don't want us to leave here. But why?!

You're Haunted (COMPLETED)Where stories live. Discover now