Chapter 10: Mang Ernesto

15 8 0
                                    

[Author's  Pov]

A/N:  Sup readers :) I just wanted to thank you guys for supporting this story. And nalalapit na po ang end ng story na ito . Kung ano man po sana ang kalalabasan sana suportahan pa rin ninyo.


Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa nito at ng iba ko pang stories, a big THANK YOU guys 😘 salamat din sa mga nagvote nito maraming maraming salamat talaga. Really 💕.

Kung hindi dahil sa inyo hindi tataas ranking ng story ko and SALAMAT!!! 

this chapter is dedicated to SugarQuinn .

---

[ Mang Ernesto PoV]

Nalalapit na ang katapusan ng mga batang iyon sayang nga lang dahil hindi ko manlang sila matutulungan para makatakas at makaalis dito pero wala na silang kawala.

Wala na silang magagawa upang makatakas dahil wala pang nakakatakas sa lugar na ito magmula ng makatapak ka sa hotel na ito na pagmamay-ari ng demonyong ngayon ay nakasakob sa katawan ng aking mahal na asawa.

Nang dahil sa kanya nawala ang masayang pamumuhay naming mag-, anak mula nung dumating siya at sapian ang katawan ng mga anak ko isa-isa at kinuha ang kanilang mga kaluluwa.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod at Maging alipin ng aking 'asawa'.

"Anong itinatayo tayo mo dyan alipin? Hindi ba't sinabihan kitang kitilin na ang buhay ng mga dalagang sinasabi mo? "

Napatingin ako sa gawi niya.

Ang dating magandang mukha ay napalitan ng demonyong anyo. Walang buhok, mapupulang mata, matutulis na mga kuko na naging kulay itim na ito . Mga natuklap na mga balat at may kaliskis na katulad ng ahas at buwaya.

May matutulis na ngipin na 'sing talas ng ngipin ng isang pating. At ang kanyang boses na parang hinugot sa kailaliman ng impyerno. Nagkaroon na rin ito ng sungay na mahaba gawa ng pagkuha ng mga kaluluwa ng mga bankay na aking dinadala sa kanya na siyang nagpapalakas at nagpapatibay ng kanyang kapangyarihan.

Nakakatakot siya. Gustuhin ko mang tulungan sina AC ay 'diko magagawa. Malalaman at malalaman niya iyon dahil ang isang katulad niyang demonyo ay tuso, mapaglaro at mapagpanggap.

Ilang beses na ba niya akong ginaya para lamang makapag pangbiktima?Maraming beses na at ikinukulong niya ako kapag ginagawa niya iyon...

At sinasabi ko sa inyo, hindi ako ang pumapatay dito kundi sya.

Lahat ng makakalampas sa Nomed homes o mas kilala bilang Demon Homes kung ito'y babaliktarin ay mamamatay ng biglaan dahil sa mga kampon niyang ipinakalat sa Demon Woods nasa harapan ng mismong hotel na ito.

Mga Tiyanak

Kapre

At ang mga ligaw na kaluluwa ng mga napaslang niya ang nananakot at pumapatay sa mga taong magagawi doon.

Katulad nalang sa nangyari sa batang si Mary Ann at ang kanyang mga kasama. Pinagsabihan ko na wag aalis sa hotel hangga't maaari dahil ayokong may mapahamak sa kanila pero dahil sa ang titigas ng mga ulo at nagpunta pa rin sa Demon's Woods kaya ayun ang sinapit niya. Hinabol sila ng mga tiyanak na naninirahan sa puso ng kakahuyan.

"Hindi na bale... Ang sarap ng kaluluwa ng batang iyon Ernesto. Napakatapang! Hahahahahaha! "

Umakyat lahat ng balahibo ko dahil sa paghalakhak niya. Ayoko na. Gusto ko nang makalaya ang kaluluwa ko at mahimlay na ng tahimik.

Sana gawin mo ang dapat mong gawin Sky bago mahuli ang lahat.


Ayokong mamamatay sila Sky. Iligtas mo sila.

Dinadalangin ko na sana'y 'wag lang sila maligaw at mapunta dito sa mansyong ito. Baka katapusan na ng sangkatauhan.

"Isa kang mabuting alipin ko Ernesto. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon na buhayin kang muli upang sakupin at sanlibutan! "

Hinding-hindi yan mangyayari Sitie. Ipinapangako ko na makakawala na ang kaluluwa mo at ng ating mga anak at kayo ay magpahinga na. Magkakasama din tayo mga anak, Sitie aking mahal. Konting tiis nalang.

"At lalo namang hindi ako nagsisi na dito ako lumungga? Hahaha! Ang galing ko talaga !

Tatlong kaluluwa nalang ang kulang at ako'y makukumpleto na rin sa wakas! At wala nang makakapag-pigil sa'kin! Not even the God of the mankind! "


Panginoon ko, alam kong makasalanang tao at anak ako pero dahil nasa bingit ang buhay ng mga batang aking kinagigiliwan ang nais ko lang sana ay protektahan nawa mo sila sa kapahamakan, ama ng sanlibutan at panginoon ng lahat. Amen.

---

A/N: Sorry kung short update . I'm still working on my research title defend 😪 jusq. Kakakaba hahaha. So see you on the next chapters.

Feel free to post a comment and insights na gusto niyong sabihin sa baba guys. Vote na rin po hehe. Mamats 😘

You're Haunted (COMPLETED)Where stories live. Discover now