Chapter 11: Tiyanak

20 5 0
                                    

A/N: This chapter is dedicated to Miss_GIM thanks twin. Mwahh 😘

---

[Yohanne's POV]

"Yohanne. Kunin mo yang lalagyan ng asin. Kakailanganin natin yan mamaya pangtaboy sa mga tiyanak na madadaanan natin sa loob ng kakahuyan " Sky.

Agad ko namang binigay sa kanya ang pinapakuha niya sakin at handa na kaming lumabas sa kung saan kami ngayon naroroon.

I badly need to see my sister! Nag-aalala na ako dito at wala akong magawa kundi ang pagkatiwalaan si Sky at sundin ang lahat ng pinapagawa niya.

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng daan papasok sa Demon's Woods nakatayo at nagmamasid kung may kapre bang nagbabantay dito.

Mukhang wala naman kaya agad na akong sinenyasan ni Sky na pumasok na kasunod niya na sa ngayon ay nangunguna sa pagpasok sa loob.

Hindi ko maitatangging kinakabahan at natatakot ako sa pwedeng mangyari dahil baka masalubong namin sya.

Ang tinutukoy ko eh ang demonyong naninirahan sa buong lugar ng Elfran street.

Kaya pala puno ng kababalaghan ang lugar na ito dahil sa kanya. Ayon pa kay Sky, nanggagaya umano ito ng kahit anong mukha na kanyang matitipuhan upang makapagpambiktima.

"Kahit anong mangyayari Yohanne... 'Wag na 'wag kang aalis sa tabi ko at kung maaari magdasal ka sa panginoong diyos na iligtas ka sa kahit na anong pamahamak at pagsukob ng alin mang elemento ng lupa "

Napatingin ako sa kanya at kasabay no'n ang sunod-sunod kong paglunok ng laway at pagtulo ng tagaktak na pawis ko.

Agad akong tumango sa kanyang babala at payo.

"At gamitin mo itong mga gamit na ito. "
Turo niya sa mga kagamitan na dala dala niya.

Isang holy water, Flashlights at kung ano pang mga matutulis na bagay katulad ng kunai at Shurikens .

Kinuha ko naman ito at lumapit na ako Kay sky.

Nang makapasok kami sa puso ng kakahuyan ay nagsimulang magpintig ang tenga ko at bumundol ang kaba sa dibdib ko dahil sa mga alulong ng mga lobo at mga nakakakilabot na tawanan ng kung ano mang mga engkanto dito.

"Yohanne.. At kahit anong mangyari... "

Napahinto ako sa paglalakad at kinakabahang lumingon kay Sky dahil sa pabitin niyang pananalita.

" 'Wag na 'wag kang magpapaniwala at magpapaloko sa sinasabi ng mga tiyanak" .Sky

"B-bakit? " tanong ko.

"Dahil kung ang demonyong iyon ay tuso, maging ang kanyang mga alagad ay tuso rin. Mag-iingat ka Yohanne. Hindi ito paalala kundi isang babala. ". Sky

Halos pigil-hininga akong tumango Kay sky at mahigpit na napakapit sa mga bagay na ibinigay niya sakin bilang proteksyon.

Kaso nga lang hindi ko alam kung paano gamitin ang mga ito at wala akong ideya kung paano ba gumagana.

I was about to talk and ask him how do these weapons work when I found out that he's no longer at my side-he's gone.

Where did he go?

"Sky? Sky? Where are you? ". Impit kong pasigaw dahil iniingatan ko na magising ang mga tiyanak na natutulog sa mga oras na ito ,at dahil kung sakali man na magising malamang ay hindi na kami magkikita ng kapatid ko at ng mahal kong si Hanna.

You're Haunted (COMPLETED)Where stories live. Discover now