Chapter 2

5.7K 115 19
                                    

Chapter 2: Sin

PABAGSAK na umupo sa swivel chair si Chase nang makaramdam siya ng pagod dahil sa biglaang meeting ng kumpanyang pagmamay ari niya. Ang WILSEX TRADE CARS CORP. Marami siyang kasosyo sa negosyong pinapatakbo niya pero siya parin ang nagmamayari ng buong kumpanya. Siya ang president at ceo.

Napaigtad siya ng marinig niyang nagsalita ang sekretarya niyang si Jameth.

"Sir pakisign po nang mga papeles na 'to." sabi ng sekretarya niya sakanya saka inilapag ang tambak na papeles sa desk niya.

"Ano naman ang mga iyan?" nakakunot-noong tanong niya.

"Ayan po 'yung mga nabiling sasakyan ngayong linggo sir na kailangan nang confirmation niyo para sa mga bagong may ari ng sasakyan." napabuntong-hininga siya. Kailangan talagang kapag nabili ang sasakyan sa WTCC ay may pirma niya ang bawat nabiling sasakyan bago magamit iyon. Ang WTCC ay kilala sa buong mundo na may pinakamagandang klase nang sasakyan na kahit ilang beses mabunggo ang sasakyan ay hindi mayuyupi ang bawat parte at isa ring high tech dahil kapag nabunggo ka hindi ka maaaksidente dahil sa loob ng sasakyan ang pinakasafe na lugar dahil kahit mabaril ang sasakyan di ito magagasgas dahil tatalbog lang ang mga bala sa parte ng kotse at proven na ang mga sasakyang ginagawa nila sa WTCC at ang lahat ng sasakyang ginagawa ng kumpanya nila ay siya mismo ang nagisip at nagexperimento. Dahil noon pa niya hilig ang mga sasakyan kaya naisipan niyang magtayo ng negosyo na siya mismo ang nagisip. Kaya di na siya magtataka kung masyadong maganda ang takbo ng kumpanya dahil lahat ng mayayamang nilalang sa mundo ay sakanya na bumibili ng sasakyan kaya minsan ay nagkakaubusan na sa stocks.

"Anong mga sasakyan ba ang nabili?" tanong niya sa sekretarya saka inisa isang pirmahan ang mga tambak na sign papers.

"345 of Mazda Miata MX5
244 of Mercede Benz C63 AMG Black Series
231 of Dodge Viper GTS
105 of BMW 18
219 of Porsche 928 GTS and
105 of Porsche 911 Turbo
173 of Porsche Panamera Turbo
432 of Chevrolet Corvette Z06 3LZ
103 of Ferarri SP Z75 RW
204 of Aston Martin DB9
117 of Lamborghini Aventador total of 2, 278 cars buyed for the whole week. Pero nadadagdagan pa ngayon sir kaya baka tumaas pa ang sales. May 300 papers pa pong natitira sa desk ko na kailangan niyong pirmahan." nang marinig niya ang sinabi ng sikretarya ay nawala ang pagod niya dahil malaki rin naman pala ang kinikita ng kumpanya niya.

"Okay, give me one week to sign this papers." sabi niya sa sekretarya. Tumango lang ito bago lumabas ng opisina niya. Nagpatuloy lang siya sa pagpirma ng marinig niyang tumunog ang phone niya kaya agad niyang dinampot iyon ng mabasa niya ang message doon.

From: My twin
My twin! Umalis si Dad kasama ang step mother natin. Out of country in the whole month. I texted you because i want you to take care of Aithne. Because i wanted to stay in my condo in the whole month. Goodluck My twin!
Receive: 5:43 pm

Napabuntong-hininga siya ng matapos niyang basahin ang text ng kapatid. Alam niyang may hindi mangyayaring maganda kung magsasama silang dalawa ni Aithne sa bahay na 'yon nang walang ibang kasama. Dahil malapit na niyang masagad ang pagtitimpi niya at baka maangkin niya ulit ang dalaga.

Bigla nalang pumasok sa isip niya ang dalaga kaya siya lumabas ng opisina. Nang madatnan niya ang sariling sekretarya.

"Jameth. Anong oras ba ang uwian sa EPU?" tanong niya. Alam kasi niya kung saan nagaaral ang dalaga dahil tinanong niya ang ina nito kaninang umaga.

"Alam ko sir ngayong 6pm ang labasan ng mga studyante." sabi ng sekretarya niya.

"Thankyou!" sabi niya lang saka nagmamadaling lumabas ng building ng WTCC. Agad siyang pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan niya. Ang Mazda Miata MX5 na siya lang rin ang gumawa.

LOVE AFFAIR SERIES 1: Chase Wilsex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon