Chapter 4: Safe
(A/N: Bibigyan ko napo sila ng point of view kasi mahirap mag narrator.)
AITHNE'S P. O. V
Nang sabihin ni Chase ang mga katagang yun kay Zed ay hinila nya na ako palabas ng university.
"Saan mo ko dadalhin Chase?"
Sabi ko at nakita ko namang tumingin lang sya sakin bago ko hinila papuntang parking lot saka kami sumakay sa kotse nya.
"Somewhere that we can unwind!"
Kalmadong turan ni Chase kaya naman tumahimik nalang ako.
Habang nagmamaneho si Chase ay naramdaman ko ang tension sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko sa tuwing nasa malapit lang sya ay mga boltaheng dumadaloy sa pagkatao ko.
"Where here."
Prenteng sabi ni Chase saka kami lumabas ng kotse at masyado kong namangha dahil dinala nya ako sa isang malawak na hardin ng mga bulaklak.
"P-paano mo nalamang mahilig ako sa bulaklak?"
Sabi ko nakita ko naman ang pagngisi ni Chase.
"Maybe that's what we called instinct?"
Sabi nya kaya naman nailing nalang ako habang masayang tumatakbo sa gitna ng hardin.
"Salamat. Kahit papano nabawasan na ang lungkot na nararamdaman ko."
Seryosong sabi ko sakanya at nagulat ako ng iabot nya sakit ang isang pulang rosas.
"For you."
Mahinang saad nya bago ko tuluyang inabot ang bulaklak.
Inamoy amoy ko iyon at ng mapasulyap ako sakanya ay nakita kong naging malambot ang expression ng mga mata nya.
"Voglio che tu sia mia e che ti ami per sempre fino alla morte,"
(Translation—I want you to be mine and to love you forever until i die.)
Sabi niya sakin. Hindi ko naman naintindihan kung anong sinabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"A-anong sabi mo? Hindi ko kasi naintindihan e. Alam kong hindi english at filipino language ang ginamit mo."
Sabi ko sakanya. Nakita ko namang napangiti sya.
"Some italian words that I want you to know."
Sabi niya kaya naman napailing ako.
"Paano ko yun malalaman e di naman ako pinanganak sa italy. Ikaw siguro oo alam mo kung ano yun nananalaytay sa dugo mo ang pagiging italiano e."
Sabi ko kaya naman natawa sya.
"But still I am a filipino. Ang totoo kong ina ang italiana at ang ama ko ang pinoy alam mo naman siguro yun."
Sabi nya kaya naman naparoll eyes nalang ako.
"Chase do you mind if I ask you something personal?"
Sabi ko sakanya nakita ko namang napatingin sya sakin.
"What do you want to ask?"
Kalmadong saad nya sakin kaya naman huminga ako ng malalim.
"Hindi naman sa nakikialam ako sa buhay mo pero gusto ko lang malaman kung nagmahal kanarin ba gaya ko. I mean yung nagmahal kana at nasaktan kasi totoo mong minahal yong tao."
Sabi ko sakanya at nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon nya.
Kasabay nun ay napansin kong parang naging malungkot ang ekspresyon nya.
BINABASA MO ANG
LOVE AFFAIR SERIES 1: Chase Wilsex (COMPLETED)
De TodoKilala si Aithne Villaford sa EASTON PARADISE UNIVERSITY bilang pinakamatalinong babae EPU campus. Hindi kagandahan, May nobyo at madalas nang maloko ng mga kalalakihan. Pero magbabago ang itinadhana sa kanya sa paghaharap nila ni Chase Wilsex! Ang...