Chapter Nineteen

29.2K 797 13
                                    

Onie had wished that he could video taped ang nakikita niya ngayon and watched on television. Marie was feeding the kid, it was like a portrait in one of his paintings in his drawing room. Nakahilera at nakukulayan ng maganda.

The pastels acrylic paint that look beautifully on that painting. He sighed. This is crazy! I am crazy! Tumayo siya at nagpabalik balik ng lakad. May choice naman siya. It's either to leave her here in the hospital at bumalik sa opisina para ayusin ang mga nabinbin niyang trabaho o tungangaan ito.

Pero mas pinili niyang manatili sa tabi nito kahit hindi naman dapat. Kahit hindi tama. Napahinto siya sa pabalik balik nang magsalita ang dalaga. "May masakit ba sayo?"

"H-Ha?"

"Kanina ka pa kasi palakad lakad. May problema ba?" Yes mayroon. Because you are my problem. Pero hindi niya sasabihin iyon.

"A-Ah wala. May iniisip lang ako." Pagpapalusot niya. She get back to feeding the kid.  Habang tumatagal. Habang unti unti niyang nakikita ang mundo nito mas lalo labg nitong pinapagulo ang isip niya.

"Siya nga pala. B-Baka hindi ako makasama sayo pag uwi dahil babantayan ko muna si edong dito." Doon siya mas napatitig dito.

"H-Ha? Eh paano si Pochi?" Nataranta siya. Bakit nga ba niya iniisip kung mag papaiwan ito sa ospital o hindi? It doesn't matter, anyway.

"Y-Yung number ni Manang Cora na ibinigay mo kanina tinawagan ko. Nkausap ko si Manang ayos lang daw sakanya na doon muna siya matulog sa unit mo para masamahan niya si Pochi." Pagpapatuloy nito habang nililigpit ang mga gamit.

"Pero---."

"Esyang umalis kana!" Sabay silang napalingon dahil humahagos na pumasok sa ward si Badet.

"What's the problem?" He asked.

"A-Anong nangyayari badet?" Hinihingal na nagpalipat lipat ang tingin ni badet sa kanilang dalawa.

"Magtago kana. Nariyan si Jojo papunta siya dito. Nalaman yata niyang nandito ka." Kusa nang hinagip ng dalaga ang bottled water sa lamesang nasa tabi ng kama.

"A-Ano? P-Pero... " Tila naguguluhan pa rin si Marie.

"Wala ka nang maraming satsat Esyang. Kapag inabutan ka ni Jojo dito mayayari kana sa kanya ng tuluyan." Naikuyom niya ang kamao. Walang karapatan ang lalaking iyon para idaan sa takot ang isang babae.

Akma siyang magsasalita nang hagipin ni badet ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. "Mr. Cortez nakikiusap ho ako sa inyo. Ilayo niyo na muna si Esyang dito. Ako na muna ang bahala kay Edong." Tila wala sa sariling tumango na naman siya.

"P-Pero..." Imik ni Marie. "S-Si Edong? P-Paano siya? " Tulog na muli ang bata.

"Ako na muna ang bahala sa kanya. Tatawagan kita palagi. Sa ngayon, taguan mo na muna si Jojo nang hindi angmga bata ang pinag iinitan niya." Itinaboy sila ni badet palabas ng kwarto patungo sa exit door ng ospital. Kusa na niyang hinila ang mga kamay ni Marie.

"Let's go. Tama ang kaibigan mo." Akay niya dito.

Nagpapaawang tumingin ito sa kanya. "P-Pero kailangan ako ni edong doon. Ayokong may gawin sa kanya si Jojo. Lalo na sa kondisyon niya ngayon. Baka kung mapaano lang---."

"I have a solution." Putol niya.

Tumitig sa kanya ang nagluluha nitong mga mata.

"We will transfer him to another hospital at ikukuha natin siya ng magagaling na doctors para gamutin siya. How's that?" Nakangiti niyang tanong.

Naisip na niya iyon unang kita palang niya sa pasyente. He could transfer him to st. Luke doon mas maganda at high-tech ang facilities. Edong could have everything he needs for his medication.

"S-Sobra sobra na ang nagawa mo. Ayokong malubog sa utang na loob sayo."

Ginapgap niya ang palad nito. "Hindi ako naniningil kung 'yon ang iniisip mo. I'm doing this because i want to help you and the kids."

"Kahit na. Hindi na biro ang ginagawa mo para makatulong." Tila ipinapahiwatig na nito ang pagtanggi..

He tucked in some loose strands of her hair. "My Mom has an orphanage. Layon niyang tumulong sa lahat ng mga kababaihan. As much as i want to take you there para mas matulungan ka. Pero naisip ko. That shelter is only for women. Eh paano ang mga bata? Kaya naisip ko ako nalang ang tutulong sayo. And i don't ask anything in return."

Gumiit pa ito. "Pero naniniwala ako na lahat ng bagay ay may kapalit."

"Alright. If you really want to pay me in return. All you have to do is smile everyday. Yun lng ang it all paid off."






To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon