Chapter Forty Six

27.1K 750 38
                                    

This supposed to be in Chapter 45 as it part. Pero nagkahiwalay sila noong icopy-paste ko na dito sa watty. I don't know why. But, for that. Hinayaan ko nalang and nagadjust nalang ako. So, double UD tayo mga bes..

Enjoy reading.
Ai:)

--------


Chapter Forty Six

Pagkalabas ni Lance sa school ay sumabay si badet sa kanila. Nagyaya kasi ang kaibigan niya na manuod sila ng sine. Pumayag siya, since maaga pa naman para umuwi. Half day lang kasi si Lance. "So wherewe gonna go? May alam akong bagong steak house gusto niyong itry natin doon?"

Sabay silang tumango ni lance dahil sa sinabi ni Badet. They call a cab dahil coding ang sasakyan niya. And Badet don't know how to drive a car. Sa may Pasay sila napadpad. Burnt basa niya sa signage ng restaurant. "Bago lang 'to?" She curiously asked.

Pinagbuksan sila ng gwardiya at tumuloy sila sa loob. "Actually, No. Three months ago ng magbukas ang branch na ito. Nagustuhan ko dito kasi bagay sa mga family dine-in. May boodle buffet kasi sila."

Iginiya sila ng isang service staff sa isang four seater table. Old American ang theme ng restaurant. "So what can you say?"

"Hmm.. Mukhang maganda nga dito." Para kasing pamilyar sa kanya yung restaurant. Pero sure siya na di pa niya napupuntahan ang lugar na ito.

Twenty minutes has passed ng dumating ang mga order nila. They're in the middle of their lunch ng may lumapit sa kanila. "M-Marie?"

Mabilis siyang nag angat ng tingin. Kilala niya ang matangkad na lalaking nasa harapan niya. May ilang beses na niya itong nakita noon pero kilala niya ito. "It's been so long. How are you? Do you still remember me? Si VJ.."

Nakangiti ito sa kanya. Saka niya naalala ng mabuti. Kaibigan ito ni Onie. "H-Hi.." Alanganing tumayo siya at nakipagkamay dito. "R-Restaurant niyo ba ito?" Tinatambol ang dibdib niya. Kasosyo dati ni VJ si Onie aa restaurant  na una niyang napuntahan noon.

Tumango si VJ. "Ahm, yeah. Restaurant namin ng misis ko. But we partnerto our old friend. Onie's cousin---si Ciara. Have you met her before?"

Hindi niya makakalimutan si Ciara. Siya lang naman ang tinawag siyang tanga noon. "N-Nice meeting you ---."

"Hi kid. How are you?" Nabigla siya ng biglang kausapin ni VJ si Lance na kanina pa pala nakamata sa kanila nagkatinginan lang sila ni Badet.

"Kilala niyo po ako?" Magalang na tanong ni Lance.

Umiling si VJ sa bata. "No, i just assumed that Marie is your mom. Magkamukha kasi kayo."

Bumuga siya ng hangin. Siguro malaking bagay talaga ang pagiging magkamukha nila ni Lance. "Then, who are you?"

Tumingin muna si VJ sa kanya bago sumagot sa anak niya. "I am your mom old friend best friend."

Lance look at her. Analyzing what the Man in front of him have said. "So you two are not friends." He conclude.

Nilapitan nalang niya si Lance. "Son, don't ask so many questions. Alright? Kumain kana."

Nagkibit balikat nalang si lance at nagpatuloy sa pagkain. "A-Ahm VJ---."

"James i need the internal audit report tomorrow ask your secretary to---."

Pare-pareho silang natigilan ng mula sa kaliwa nila ay sumupot si Ciara. Agad na natigilan ang babae. Napakapit siya sa kamay ni lance na may hawak na tinidor. Dumeretso ang mga mata ni Ciara sa kanya. "We have a guest." She said while stepping forward.

Ikakalma sana niya ang dibdib niya ngunit lumapat na sa pisngi niya ang palad nito. Bumaling ang ulo niya pakanan sa lakas niyon. "Stupid bitch! Ang kapal ng mukha mong bumalik pa dito!"

"Ciara don't make a scene." Awat ni VJ dito. Si Badet naman ay mabilis na tumayo ay hinila si Lance.

"Bitiwan mo nga ako!" Pumiglas ito at muli na namang lumapit sa kanya. "You have a face na humarap pa dito after what you did to Onie?" Tama siya. Si Onie ang dahilan ng galit na nakikita niya sa mga mata nito. "When Dayana abandoned him. Ang sabi ko makakilala lang siya ng babaing di siya iiwan magiging masaya ako para sa kanya. Pero ng makilala ka niya nagkada-letse letse ang buhay niya."

Sinenyasan niya si Badet na ilabas na si Lance. Sumunod naman ito. Si VJ naman ay nakahawak na muli sa braso ni Ciara. "I-I'm sorry i didn't mean to hurt ---."

"Sorry? Is that all you can say? Sorry lang ba ang katumbas ng araw araw na paghahanap niya sayo? Sorry lang ba ang katumbas ng gabi gabi niyang paglalasing? Sorry lang ba ang katumbas ng walong taon niyang paghihintay sayo? At sorry lang ba ang katapat ng walong taon at hanggang ngayon na pagpapakatanga niya sayo?" Wala na palang mas sasakit pa sa katotohanang sinasabi nito sa kanya ngayon.

Hindi niya alam kung bakit ang inakala niyang tamang desisyon ay magiging mali at walang kwenta sa paningin ng iba.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon